SELFIE: 26 [FINALE]

5.9K 234 45
                                    

MIKI'S POINT OF VIEW:


Tulad kahapon ay nagising na naman ako na lutang, pero ngayon ay mas mabigat ang nararamdaman ko dahil sa ngayon talagang tapos na kami, talagang wala na kami ni Pokok, lahat ng mga masasayang bagay tungkol sa amin maging yung hindi na masaya ay mananatili na lamang alaala. Kung tatanungin ko ang sarili ko kung masaya ako at nakahinga ba ako ng maluwag dahil natapos na ang lahat? Ang sagot ko ay hindi, oo hindi ako masaya dahil pakiramdam ko ay yung tao na naging dahilan ko para maging masaya ako ay pinakawalan ko, hinayaan ko na mawala ang kasiyahan ko, hindi ako nakahinga ng maluwag dahil ang totoo ay naninikip ang dibdib ko sa tuwing iniisip ko ang lahat. "Patawarin mo ako Pokok, pero kailangan ko gawin ang palayain ka para hindi na tayo masaktan." ang bulong ko at pumikit muli ako at umalingawngaw sa aking isip ang mga huling sinabi ni Pokok bago niya ako iwan at hindi ko na napigilan ang umiyak.


Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto, ngunit bago ako magsalita ay hinintay ko muna na magsalita ang kumakatok, ilang katok pa ay hindi pa din nagsasalita yung kumakatok kaya naman nanatili akong tahimik at hinihintay na magsalita ito.


"Anak, Miki, gising ka na ba?" ang sabi ng boses na siguradong boses ni Mom.


"Opo mom, gising na po ako, sandali lang po." ang sabi ko bilang pagtugon, bago bumangon ay pinunasan ko ang mga luha ko at pagkatapos ay bumangon ako at bumaba sa higaan ko. Tinungo ko ang pinto at binuksan ko ito.


"Mabuti naman at gising ka na anak, kanina pa ako kumakatok kasi." ang sabi ni Mom noong mabuksan ko ang pinto, "maaari bang pumasok anak? Gusto sana kita makausap." ang dagdag na sabi ni Mom at tumango ako bilang pagpayag at pinapasok ko siya sa kwarto ko.


Nang makapasok si Mom ay agad ko ding isinara ang pinto ng kwarto ko at ini-lock ito, pagkatapos ay sumunod ako sa kanya, naupo kami sa may kama ko at nang makaupo na ay tinignan ako ni Mom at nakangiti siya sa akin ngunit mababakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala, pag-aalala ng isang ina sa kanyang anak, kinuha ni Mom ang kamay ko at pinisil pisil, tinignan niya ito at tinignan ko ang ginawa niya sa aking iyon, gusto kong umiyak noong mga sandali ko dahil sa tingin ko ay alam ko na ang aming pag-uusapan.


"Mom..." ang sabi ko na pinipigilan ang maging emosiyonal sa mga sandaling iyon.


"Anak, may problema kayo ni Pokok tama ba?" ang tanong sa akin ni Mom at tanging katahimikan lang ang naisagot ko kay Mom, lumapit sa akin si Mom at niyakap niya ako at hinagod ang aking ligod, matagal na din simula ng makapag-usap kami ng ganito ni Mom, at sa mga ganitong pagkakataon ay siya lang naman talaga ang alam kong mas makakaintindi sa akin. "Anak sige na magsabi ka na sa akin kung ano ba ang problema niyo ni Pokok? Nag-aalala kami sayo ng Dad mo at maging si Lola mo ay iniisp din kung ano ang nangyayari na sa inyo, alam din namin na hindi magkakaganon kagabi si Pokok ng walang dahilan." ang sabi ni Mom at yumakap ako sa kanya.


"Mom..." ang tangi kong nasabi muli dahil di ko alam kung paano ko ba sisimulan ang pagkukuwento sa kanya.


"Anak..." ang sabi ni Mom at bumitaw siya sa pagkakayakap niya sa akin at tinignan niya ako sa aking mga mata na nangingilid na ang luha, "Miki, trust me, I will listen to your story, at gusto ko din na makatulong sayo o sa inyo ni Pokok, nakita namin kung gaano ka naging kasaya sa kanya, kaya naman hayaan mo na malaman ko ang problema niyo." ang sabi ni Mom at tumango ako sa kanya.

Panget Mo!Where stories live. Discover now