SELFIE: 12

5.3K 233 28
                                    

MIKI’S POINT OF VIEW:

        Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon ay nagpasiya na sila Vito na magpahinga muna sa tabing bukid kung saan narating namin sa pamamagitan lamang ng bike. Payapa sa lugar at matatanaw mo din ang ilang bundok at ang langit na nag-uumpisa nang magpalit ng kulay dahil sa nag-aagaw na dilim. Naupo kami sa mga damuhan upang pagmasdan ang magandang langit at tanawin, magkatabi kami ni Pokok habang magkatabi naman sila Jayson at Vito at sa pagitan namin ay sila Luiz, Mariza at Minyong. Sabay sabay naming ninanamnam ang malamig na hangin na dumadampi sa amin.

        “Alam niyo may naisip ako na maganda nating gawin para sa gabing ito.” ang sabi ni Minyong.

        “Ano naman ang naisip mo?” ang tanong ni Pokok.

        “Bakit hiindi tayo mag-camping ngayong gabi? Doon sa may burol, yung madalas din natin tambayan.” ang sabi ni Minyong.

        “Mukhang maganda nga yan, pero san ba yang burol na yan?” ang tanong ni Vito.

        “Malapit lang sa batis yon, pero iba nga lang ang dadaanan natin papunta roon, ano game?” ang sabi ni Minyong.

        “Sige game ako diyan.” ang sabi ko bilang pagsang-ayon.

        “Eh kung game tong si Miki sunget eh game din ako.” ang sabi ni Pokok.

        “Sige game din kami ni Luiz diyan.” ang sabi ni Mariza.

        “Eh kung game kayong lahat ay wala na kaming dahilan ni Jayson para tumanggi pa.” ang sabi ni Vito.

        “Oo nga kaya naman game din kami ni Vito diyan.” ang sabi naman ni Jayson.

        “Mabuti pa ay umuwi na muna tayo para makapaghanda tayo ng mga dadalin at gagamitin natin.” ang sabi ni Minyong at isa-isa kaming tumayo.

        Inalalayan ako ni Pokok sa pagtayo sa pamamagitan ng pag-abot niya ng kamay niya sa akin na hindi ko naman na tinanggihan. Naging mas palagay na kami ni Pokok sa isa’t isa pero siyempre may instances pa din na nag-aasaran kaming dalawa. Sumakay kami muli ng bike, tulad noong nag-umpisa kami sa pagba-bike ay kay Pokok pa din ako umangkas, kahit ako ay hindi ko alam bakit hindi ko na ginugusto na kay Vito umangkas.

        Tinahak namin ang daan pauwi para makapag-umpisa na din sa biglaang camping na naisip ni Minyong na napagkasunduan naman namin. Excited ako na maranasan ang mag camping sa totoo lang ay first time ko ito kasi naman noong high school pa ako ay never namin ginawa to puro boring na field trip lang. Pagdating namin sa tapat ng bahay ng Lola ay huminto kami, bumaba ako sa pagkakaangkas ko sa bike ni Pokok. Ipinahiram muna ni Mariza yung bike nila kay Minyong upang may gamitin ito sa pag-uwi. Kay Pokok umangkas si Jayson at noong oras na iyon ay hindi ko alam kung bakit parang nainis ako kay Jayson lalo na nung kumapit na siya sa baywang ni Pokok.

        “Ah Minyong masmabuti yata kung sayo mo na lang iangkas si Jayson.” ang bigla kong sabi na hindi ko maunawaan kung bakit ko nasabi, napatingin din silang lahat sa akin ng may pagtataka sa sinabi kong iyon.

Panget Mo!Where stories live. Discover now