SELFIE: 07

5.6K 222 5
                                    

POKOK’S POINT OF VIEW:

        Iniwan ako nung Miki na masama ang ugali sa palayan, hindi ko akalain na itutulak niya talaga ako sa palayan, ano bang araw to mukhang lapitin ako ng putik ngayon. Tumayo ayoko muli ng palayan at napansin ko ang cellphone nung Miki na masama ang ugali at agad ko itong kinuha. Pinunasan ko yung pinaka screen ng cellphone upang makita kung okay pa ito at kung gumagana pa.

        “Sus gumagana pa naman pala eh, hindi niya siguro alam na water proof tong cellphone niya.” ang pabulong kong sabi. Naisipan ko na isauli yung cellphone pero naisip ko na siguro ay maligo na muna ako ulit bago ko isauli ng hindi naman ako magmukang taong putik.

        Naglakad ako pabalik ng bahay para nga maligo pero bago ako makarating sa amin ay nakita ko si Jayson na nakaupo sa may labasan nila at nakatingin ito sa akin. Malas nakita niya akong ganito ang itsura ko, ang sabi ko sa isip ko at nang dahil sa hiya ay naisipan ko na tumakbo na lamang papasok sa bakuran namin at dumiretso ako sa likod bahay para maligo. Inilagay ko yung cellphone sa ibabaw ng drum at pagkatapos ay hinubad ko ang pang-itaas ko at tiyaka ako nagbuhos ng tubig at sinimulan ang paliligo ko.

        Nang makaligo ako ay agad akong pumasok ng bahay, sa banyo ay hinubad ko ang shorts at underwear ko pagkatapos ay nagpunas ako gamit ang tuwalyang nakasampay, pagkatapos kong magpunas ay itinapis ko ito sa akin at tiyaka ko tinungo ang kwarto ko upang magbihis.

        Nang matapos akong magbihis ay lumabas ako sa likod bahay, kumuha ako ng isang basahan at binasa ko ito para punasan ko yung cellphone ng Miki na masama ang ugali, siguro kung di lang ako pinalaki ng mga magulang ko ng tama eh baka di ko na sinauli itong cellphone niya sa sama ng ugali niya. Nang matapos ko na malinis ang cellphone ay inilagay ko ito sa bulsa ko at lumabas ulit ng bakuran namin at tinahak ang daan, hindi ko alam kung saan tumutuloy o nakatira yung Miki na yon pero kung tama man ang hinala ko ay malapit lang siya sa may palayan kung saan niya ako itinulak o kaya naman ay sa batis. Sana lang makita ko siya at ayoko naman abutin ng gabi sa paghahanap lang sa kanya.

        Tinahak ko ang kahabaan ng kalsada, buti na lang talaga ay hindi mainit ang panahon noong araw na iyon kaya pwedeng pwede ako makapagrelax habang naglalakad. Dahil kilala ko naman ang karamihan sa lugar namin ay hindi na ako nahihiyang magtanong, hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa tapat ng isa sa pinakamalaki at pinakamagarbong bahay sa lugar namin. Tanging yung bahay lang na iyon ang hindi ko pa kilala ang nakatira kaya naman naglakas loob na ako. Pinindot ko yung doorbell, mga dalawang beses ako nag-doorbell bago may lumabas na isang babae na mukhang katulong sa bahay base na din sa uniporme na suot niya.

        “Sino sila?” ang tanong sa akin ng babae ng makalapit ito sa gate.        

            

        “Ah magandang tanghali po, ako po si Pokok, nakatira din po ako dito sa luagar na ito, itatanong ko lang po sana kung may nakatirang Miki po dito?” ang tanong ko sa babae.

        “Ah si Sir Miki, oo dito nga siya nakatira, ano po ang sadya nila?” ang tanong ng babae.

        “Ah kasi po may nahulog po siya kanina habang naglalakad, napulot ko po kaya gusto ko lang po sanang isauli sa kanya. Pwede ko po ba siyang makausap?” ang sabi ko.

Panget Mo!Where stories live. Discover now