SELFIE: 15

4.6K 216 25
                                    

MIKI'S POINT OF VIEW:


Nang matapos kami kumain ay nagtulong tulong kami ayusin ang mga gamit namin mula sa pinagkainan namin, basura at kalat, sa ginamit naming apoy na sinuguro naming wla ng apoy, at hanggang sa ginamit naming tent at sleeping bags. Sa ganda ng lugar ay ayaw naming dungisan ito ng anumang kalat na galing sa amin, bago umalis ay nagpicture picture na kami na halos hindi ko na nagawa simula noong dumating kami kagabi, may selfie ang bawat isa, may groupie, at siyempre hindi pwedeng mawala yung kami lang ni Pokok, pero just to be fair ay kinuhanan ko din ng litrato sila Jayson at Vito. To be honest I don't feel bitter about them parang pakiramdam ko nga naging better pa ako.


Pagkatapos namin sa pagpipicture taking ay nag-decide na kaming umuwi kaya naman pinagtulung-tulungan na namin ilagay sa sidecar yung iba pa naming gamit. Sa pagbaba ay nagpresenta sila Luiz, Mariza at Minyong na sila na lamang ang bahalang umalalay sa sidecar pababa ng burol. Paalis na kami ng camping site ng biglang lumuhod patalikod sa akin si Pokok.


"Oh ano yang ginagawa mo? Nagdadasal ka ba?" ang tanong ko sa kanya.


"Sira, pumasan ka na, ipapasan kita hanggang sa pagbaba. Ayoko na mapagod ka." ang sabi ni Pokok na nagpakilig sa akin, na siya din namang nakapagpakilig sa mga kasama namin.


"Ay sus, hindi pa ba matatapos yang mga kilig moments niyo? Naiinggit na kami dito." ang sabi ni Mariza.


"naku Mariza kapag si Pokok, huwag ka ng umasa na walang kilig moments dahil ang dami niyang alam na kakornihan." ang sabi ni Minyong at natawa.


"Sira ka talaga Minyong lagi mo na lang ak nilalaglag." ang sabi ni Pokok at nilingon niya ako habang nananatili siya sa puwesto niya.


"Huwag ka ng mahiya insan, sige na pumasan ka na." ang sabi ni Luiz na nakangiti.


Dahil sa kantyaw ng mga kasama namin kahit nahihiya man ako ay pumasan na ako kay Pokok, alam ko nakapasan na ako sa kanya kagabi, nabuhat niya na ako kanina, pero nakakaramdam pa din ako ng hiya hindi dahil sa nahihiya ako sa ginagawa niya alam niyo yung hiyang kinikilig, yung gusto mo pero sa sobrang kilig ay parang nahihirapan ka i-try, basta ganon.


Nang makapasan na ako ay nagsigawan pa sila at palakpakan na parang mga ngayon lang nakakita ng pinasan. Napansin ko din na nakatingin sa amin si Jayson pero nginitian ko ito at ngumiti din siya sa akin. Pagkatapos noon ay nagumpisa na kaming bumaba ng burol, sila Mariza, Luiz at Minyong ang siyang nauna sa daan at inaalalayan ang sidecar na dala, kasunod nito ang magkahawak kamay na naglalakad na sila Vito at Jayson, at siyempre kami ang huli na sweet na sweet pang nagbibiruan. Suot pa din namin pareho yung jacket namin kaya mas halatang couple kaming dalawa.


Ilang oras pa ay nakababa na din kami ng burol, gusto ko na sanang bumaba sa pagkakapasan ko kay Pokok dahil iniisip ko na baka napagod na ito pero ang halimaw ayaw ako ibaba at ipapasan daw niya ako hanggang makarating sa bahay ni lola. Ano pa nga ba wala na akong nagawa pa kaya naman nagpatuloy kami sa paglalakad, I mean sila lang pala dahil pasan nga ako ni Pokok.


Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni lola ay halos mag-a-alas-onse na. Pagdating doon ay maingat akong ibinaba ni Pokok sa pagkakapasan. Doon ay nagpaalaman na kaming lahat upang makauiwi na din sa bahay nila sila Pokok, Minyong at Jayson. Ibinaba na namin yung mga gamit namin nila Mariza, Luiz at Vito mula sa sidecar.

Panget Mo!Where stories live. Discover now