SELFIE: 22

4.4K 199 23
                                    

MIKI'S POINT OF VIEW:


Sakay ng isang tricycle ay nakarating at nagpahinto kami ni Vito sa tapat ng bahay ni Lola Veron, nang makapagbayad at makababa na kami ay agad na ding umalis ang tricycle na sinakyan namin. Nang makaalis ang tricycle ay hindi kami agad pumasok ng bahay bagkus ay nanatili lang kami doon sa labas na nakatayo sa tapat ng gate, hindi ako kumikibo, malalim ang aking iniisip, hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari, hanggang ngayon ay sobrang sakit pa din sa akin ng lahat kahit na naiyak ko na at naikwento kay Vito ang lahat.


"Ayos ka lang ba Miki?" ang tanong sa akin ni Vito nang mapansin niya na tila natulala ako.


"Ah oo ayos lang ako, mabuti pa ay pumasok na tayo." ang sabi ko bilang pagyaya, humakbang ako papalapit sa gate upang mag-doorbell pero mabilis akong hinawakan ni Vito upang pigilan. "Bakit Vito?" ang tanong ko sa kanya, ngunit sa halip na sumagot siya ay mabilis niya akong hinila at pagkatapos ay niyakap niya ako ng ubod higpit, na tila ba nasabik siya na yakapin ako ng matagal na panahon.


"Pwede bang dito muna tayo at mamaya na tayo pumasok sa bahay?" ang sabi ni Vito habang yakap yakap pa din niya ako.


"Vito, a-ano bang nangyayari sayo?" ang tanong ko sa kanya.


"Miki, hayaan mo akong punan ang ano mang pagkukulang ni Pokok, hayaan mong palitan ko siya sa buhay mo." ang sabi ni Vito. Hindi ko maunawaan kung bakit nagkakaganoon si Vito, hindi ko maunawaan kung paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon, ang pakiramdam ko tuloy ay maaari kayang naalog ang mga utak ng mga kasama ko sa octopus ride kaya sila nagkakaganito, kaya kami nagkakaganito.


Kumawala ako sa pagkakayakap ni Vito sa akin at tumingin ako sa mga mata niya, "Vito salamat sa pag-alok ng sarili mo upang mapalitan si Pokok pero Vito hindi ganoon kabilis makalimot, hindi ganoon kabilis mkapagpalit, kung ang sugat nga bumibilang pa ng panahon para maghilom, ang taon o kalendaryo bumibilang ng araw at buwan para makapagpalit, ako pa kayang nagmahal at ang malala dun ay nasaktan ako. Vito ayoko din na gawin ka o isipin mo na ginawa kitang panakip butas, hindi ako ganoong klase ng tao." ang sabi ko sa kanya bilang sagot at tumalikod ako upang lumapit na sa gate pero muli ay hinila niya ako at niyakap.


"Vito, please wag na muna ngayon, wag mo akong pilitin Vito dahil hindi ko magagawa." ang sabi ko sa kanya habang pilit akong kumakawala sa kanya.


"Miki alam ko naman na gusto mo din ako, kaya bakit pa natin patatagalin ang lahat? Miki ginamit lang namin ni Jayson ang isa't isa para malaman namin kung gusto niyo din kami, pero isang malaking pagkakamali pala ang ginawa namin dahil sa halip na mapasaamin kayo ay naging kayo pa ni Pokok. Miki kalimutan mo na si Pokok, Miki hayaan mong pawiin ko ang lahat lahat ng sakit na nararamdaman mo." ang sabi ni Vito sa akin at agad niya akong siniil ng halik na aking ikinabigla. Sa pagkabigla ko ay nagawa ko na makawala at makabitaw sa halik niyang iyon at dahil din sa pagkabigla ay nagawa ko siyang masampal.


"Pa-pasensiya na." ang sabi ko bilang paghingi ng tawad sa pagkakasampal ko sa kanya.


"Miki, ano bang problema? Bakit hindi mo ako gustuhin muli? Bakit ayaw mong hayaan na maging tayo?" ang tanong sa akin ni Vito na nakatingin sa mga mata ko.

Panget Mo!Where stories live. Discover now