Chapter 04

239 16 0
                                    


Chapter 04

My Angel

Lumipas ang ilang oras na pagta-trabaho ko sa coffe shop ay hindi pa rin mawala 'yong isip ko sa lalaking 'yon. Ang lakas mag-banta sa akin. Bwisit na 'yon pati buong oras ko sa pagta-trabaho ay na-apektuhan ng dahil sa kanya. Siya lang naman kasi ang laman ng isip ko, 'yan tuloy bad trip ako buong oras ko sa trabaho.

"Hoy, Lena!" Tawag sa akin ni Nayeli.

"Oh?!" sinamungatan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ang sungit mo naman," sumeryoso ang kanyang boses. "Umayos ka nga baka pagalitan tayo."

"Sorry." napayoko na lang ako at huminga ng malalim para ikalma ang aking sarili. "Uwi na ako, Nayeli, sorry ulit." malungkot na sabi ko kasi feel ko pati pagta-trabaho ko ay na-apektuhan ng dahil sa lalaking 'yon!

Bwisit na 'yan!

"Ano ka ba okay lang 'yon." Nakangiting sabi niya sa akin. "Ang bilis mo naman mawalan ng energy, pagod ka na 'no?"

Yumakap siya sa akin kaya yumakap ako pabalik sa kanya. Patuloy lang siya sa pahimas ng aking buhok na para bang pinapa-kalma ako.

"Hmm," ang tanging tugon ko sa tanong niya sa akin.

Feel ko kasi talaga nawalan ako ng gana. Oh, baka nawalan lang talaga ako sa mood. Kadalasan naman ganito ako, e.

"Uwi ka na," kumalas agad siya sa yakap at tinignan ang aking mukha. "Sabihin ko na lang kay manager."

"Salamat." pumunta na ako sa staff room para kunin lahat ng gamit ko bago ako lumabas ng shop.

Narito ako sa may waiting shed naghihintay ng masasakyan kaya lang biglang bumuhos ang ulan ay halos lahat ng tao ay sumilong dito. Siksik na siksik ako rito sa dulo kaya wala akong magawa kong hindi ang maupo na lamang.

Mas lalong bumuhos ang malakas na ulan kaya mas dumami ang mga taong gustong sumilong dito.  May dumadaan na jeep kaso nga lang hindi ako makasakay dahil nasa likod ako tapos siksikan pa dahil na rin sa rush hour.

Unti- unti ng nawala ang mga tao dahil madami na ang dumadaan na jeep, bus at kung ano-ano pang transportation. Hindi ko namalayan na gabi na pala dahil sa kakahintay ko sa pagtila ng ulan. Nandito pa rin ako at nakaupo mukhang tangang naghihintay ng jeep.

"Ang ganda talaga ng araw ko. Sobra." inis na inis na bulong ko sa sarili ko.

Tumayo ako para makakita ng mga dumadaang pampasaherong sasakayan kaso lahat ay punuan o 'di kaya wala talagang dumaan dahil na rin sa lakas ng ulan.

Inis na lang akong naupo dahil ilang oras na ako rito hindi pa rin ako makasakay-sakay ng jeep sana pala nagpasundo na lang ako kay Bray, nakakainis naman!

Nagulat ako dahil nakita 'yong lalaking nakasabay namin ni Hash sa elevator. Gustong-gusto ko siyang lapitan kaso natatakot ako baka hindi niya na ako kilala o kaya baka umiiwas na siya sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit siya umiiwas pero siyempre masakit para sa akin na kababata niya pero alam ko na para sa akin iyon.

Umupo siya sa tabi ko ng hindi niya inaalis ang tingin sa kanyang cellphone. Pasimple kong sinilip ang kanyang mukha dahil kahit alam kong umiiwas o iniwan niya ako alam ko naman na para sa akin lahat ng iyon.

Dahil sa pasimple kong tingin sa kanya ay tumingin na rin siya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin, kunwari abala sa pagtingin-tingin sa mga dumadaang sasakyan.

"Miss?" tawag niya.

"Ako po?" kunwaring hindi ko alam na ako ang tinatawag niya.

Nanlaki 'yong mata niya sa pagharap ko sa kanya. "Nana?"

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now