Chapter 29

133 7 0
                                    


Chapter 29

Long time no see

Nawawalan na ako ng pag-asa, oo pero kasi hindi naman siguro magandang gawin iyon, hindi ba? Kailan kong maging matatag. Umiwas siya, tuloy pa rin ako. Gusto niya ng umalis tuloy pa rin ako. Gusto niya ng kalimutan ko na siya pero hindi kaya ng isip ko lalo na ang puso ko.

Iniisip ko pa lang na sumuko ako ay nasasaktan na ako. Kapag sumuko ako baka magsisi ako sa bandang huli. May dahilan siya alam ko. Kailangan ko bang respetuhin iyon? Kapag ginawa ko iyon ay parang sumuko na rin ako.

Selfish ba ako? Kasi naghihintay ako ng paliwanag niya kahit alam ko naman na wala siyang balak sabihin. Kumbaga pinapalaya na niya ako. Selfish ba'ng humingi ng paliwanag sa kanya? Selfish na ba ako nun?

Malungkot akong pumasok sa coffee shop. Nilagay ko muna ang gamit ko sa locker ko at magbihis bago lumabas upang mag-serve na.

Natanaw ko si Nayeli na sobrang ligalig ang sarap niya pagmasdan kasi sobrang saya niya na halata sa itsura niya na wala siyang problema dahil sa ngiting binibigay niya sa mga costumer.

Pilit na ngiti ang ginawad ko kay Nayeli papalapit sa kanya. "Good morning!" masayang bati ko.

"Good morning, Lena!" todo ngiti siya sa akin. "Alam mo ba?" mukang may chismis na naman itong si Nayeli sa akin.

"Ano 'yun?"

"Pumunta dito si...si..." mukang inalala niya kung sino iyon.

"Sino?" Pati ako nakunot ang noo dahil sa kuryosidad ko.

"Si Mister pogi! Oo tama si Mister pogi pumunta rito," kinikilig na sabi niya.

Mapait na ngumiti na naman ako sa kanya.

"Tinanong ko siya sabi ko kung hinahanap niya ba si Lena sabi lang niya ay 'No'. Halata pa ang taranta sa itsura niya." Pagkukwento niya.

"Huh?" nagugulahang tanong ko.

Siguro pumunta lang siya rito hindi para makita ako kung hindi para bumili ng paborito niyang Caramel Macchiato.

"Bumili siya sa 'kin tapos tinanong ko kung hinahanap niya ba si Lena sagod naman niya ay 'No', tapos nagiba agad siya ng topic na punta sa pago-order," pagpatuloy pa niya.

"Ah, okay." aaminin ko naman na nagkaroon ako ng pag-asa pero agad din naman itong nawala. Nanghihinayang kasi hindi ko siya nakita kahapon dahil nasa school ako, sayang.

Tinuon ko na lang ang sarili ko sa trabaho. Hindi pa din kasi siya mawala sa isip ko. Umaasa ako na isang araw bigla na lang niya akong yayakapin at sasabihin na bumalik na ulit ako sa kanya. Hindi naman siguro mali ang umasa, hindi ba?

Time goes by ay magsa-sara ang shop dahil alas diyes na gabi. Naging masaya naman ako kasi natapos ko ang ibang school papers ko nung bandang hapon kasi wala naman masyadong bumibili.

"Bye Lena, goodnight!" paalam sa akin ni Nayeli.

"Bye Nayeli, Hunter. Ingat kayo!" nakangiti akong kumaway sa kanilang dalawa.

"Ingat Lena!" sigaw ni Hunter papalayo sa akin.

Tanging kaway at ngiti na lang ang binigay ko.

Umuwi muna ako sa apartment ko para maglinis ng katawan ko bago ako pumunta sa park magba-baka sakaling makita ko si Shean. Masaya ako kapag nakita ko siya. Mabubuo ang buong araw ko.

Nang makapunta ako sa madalas na pinagu-upuan ko ay wala akong nakita o natanaw na Shean. Gabi na kasi alas onse na. Siguro naka-uwi na iyon o kaya nagpapahinga na dahil alam 'kong sobrang busy niya. Graduating student kasi.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now