Chapter 30

158 9 0
                                    


Chapter 30

Pakawalan mo na 'ko

"Long time no see, Lena."

Tinig na nagpadagundong sa buong pagkatao ko.

"A-anong kailangan mo?" kinakabahan kong tanong.

"Take a sit," aya niya sa upuan sa kanyang harap.

"Diretsuhin mo na 'ko." taas kilay na pambaara ko. Hindi ako nag-abala na umupo sa upuan. Nanatili lang akong nakatayo sa kanyang tapat.

Biglang sumeryoso at dumilim ang kanyang itsura dahil sa inaasal ko.

"Stay away from my son. I don't want you for my son. You're such a pieace of trash."

Nanginginig ako dahil sa galit. Gustong-gusto ko siyang sampalin at sigaw-sigawan pero kahit paano may respeto pa rin ako sa kanya dahil tatay siya ng taong mahal ko kahit wala namang karespe-respeto sa buong pagkatao niya.

"Tali. You know Tali, right?" he continuesly said. "They are engaged. So, better to know your place."

Nangilid ang luha ko sa dahil sa panliliit niya sa akin. Walang tao ang gumawa nuon sa akin. Ang mas masakit pa ang taong tumapak sa pagkatao ko ay ang sariling ama ng taong mahal ko.

"Tali is better than you. She's so smart, and her parents is my friends and a board members of my own company. You?" ngisi niya. "You're just a waiter. You don't have the rights for my son, understood?"

Nakakakilabot ang kanyang tingin. Masyadong mataas ang tingin niya kasi may pera siya. Ako? Hirap na hirap pangpag-aralin ang sarili ko.

"So better to leave my son as soon as possible. If you are not going to do that...say bye bye to your diploma."

Napatulala ako.

Ang gulo. Ang daming balakid.

"Lena, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nayeli sa akin.

Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nakatayo dito simula nung umalis ang hinayupak na tatay ni Shean.

May parte sa akin na gustong-gusto siyang bulyawan, saktan, ipakulong, lahat na lang nang masasamang gawain ay gusto kong maranasan niya. Hindi pa ba sapat sa kanya ang ginagawa niya sa buong pamilya ko? Pati ba naman si Shean ay kailangan kong isuko sa kanya. Lahat na lang ba ng kasiyahan ko ay nawawala sa akin ng dahil sa kanya. Ito lang naman ang meron ako balak niya pang kunin.

Dahan-dahan akong napaupo sa sahig dala siguro ng bigat na nararamdaman ko. Sunod-sunod tumulo ang luha sa aking mga mata. Ang sakit hindi ko na kaya. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko pati pag-aaral ko ay baka maapektuhan ng dahil dito. Hindi ko kaya iyon, malaki ang tiwala sa akin ni Ai na matatapos ko iyon.

"Si Lena?" boses ni Givi ang narinig ko kaya napaangat ako ng tingin.

Tumingin siya sa akin nang may halong galit, awa, ewan ko halo-halo ang emosyon na ibinigay niya sa akin na hindi naman siya ganyan kapag kasama namin siya. Ang kadalasang emosyon niya ay blanko.

"Putangina!" sigaw ni Givi. Lumapit siya sa akin at marahas akong pinatayo. Nang natayo niya na ako ay tinignan niya ang bawat sulok ng mukha ko. "Okay ka lang?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Sa kanyang sinabi ay mas lalo akong naiyak.

Walang pasabing niyakap niya ako, dahil sa yakap niya ay napahagulgol ako. Sa kanya talaga ako kumakapit kapag may problema ako katulad nito. 

"Tara, hatid na kita." hinila na ako ni Givi paalis ng shop.

Alam na ni Nayeli ang gagawin kung hindi ay magpapa-alam siya kay manager at iyong bag ko ay ihahatid niya sa apartment ko.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now