Chapter 06

206 14 1
                                    


Chapter 06

Kiss

"Lena?" tawag sa akin ni Mister.

Mabuti na lang may biglang tumawag kay Hash. Paano na lang kapag nakita niya ako? Baka magpaulan na 'yon ng confettie sa sobrang saya niya. Masyado pa namang game na game sa ganuon si Hash, 'yong tipong kahit sinong kakilala niya ay pinapakilala sa akin. Minsan nga nagagalit na lang ako sa kanya sa dami niyang pinapakilala sa akin. 'Di naman ako interesado sa mga gano'n at alam niya 'yon pero pinagpipilitan niya pa talaga.

"Did you see a ghost?" tanong niya.

"Hindi," umiling-iling ako para mamulat ako dahil meron pa ring kaba ang dibdib ko.

"You look so pale," sinilip niya ang mukha ko. "Do you want some water? I can go back."

"Huwag na." hinila ko na ang laylayan ng damit niya para makapunta na kami sa elevator. 

"Okay."

Naghintay kami ng ilang minuto bago bumukas ang elevator. Nang bumukas na ito ay sabay na rin kaming pumasok. Wala naman iba pang naka-sakay, kaming dalawa lang.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" ang tawag niya kasi sa akin ay Miss kaya nagtataka ako kung bakit 'yon ang tinawag niya sa akin kanina.

"I asked my brother." tamad na sabi niya.

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Wala naman akong balak na dagdagan pa ang gusto kong sabihin.

Sa sobrang tagal namin dito sa elevator ay ngayon lang nagpumasok sa isip ko na hindi ko pala alam ang pangalan niya. Ang daya naman no'n alam niya ang pangalan ko tapos ako hindi ko alam ang kanya. "Ikaw, ano'ng pangalan mo?" tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya. "Ang gara naman. Alam mo pangalan ko tapos ako hindi."

"So?"

"Pakilala ka naman sa 'kin." sa sobrang tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala para kita ang mukha niya.

"Tss," umiparap talaga talaga! "Shean Miguel Cordain, how about you?"

"Kala ko ba alam mo na?" Ang gulo lang talaga nito minsan kausap. Naka-drugs ka ba ngayon? Siyempre hindi ko puwedeng sabihin sa kanya 'yon baka ma-sapak niya ako on the spot.

"Tss." inis niya lang akong inirapan.

Ang attitude talaga nito. "Aleana Leana Skyler." Sabi ko sa kanya at naglahad ng kamay para pormal na magpakilala. "Baka hindi ka makatulog kapag hindi mo nalaman." bulong ko pang dagdag.

As usual inirapan niya na naman ako. Tinaggap naman niya iyon pero may naramdaman akong kung ano kaya agad ko itong binawi.

Nakalabas na kami ng elevator ay nauna na siyang pumunta sa kanyang sasakyan. Napanguso na lang ako kasi hindi manlang niya ako pinagbuksan ng pinto. Napaka-gentleman talaga! Inis na sumakay na lang ako sa sasakyan niya at sinuot ang seatbelt.

"Where are we going?" tanong niya habang ini-start ang kanyang sasakyan.

"Grocery," tinignan ko ay nasa labas lang.

"Grocery, then." sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan niya habang ako naman ay tahimik lamang nakatanaw sa labas.

Pagka-dating namin ay agad akong bumaba at dumiretso sa loob ng grocery. Ramdam ko naman na naka-sunod siya sa akin. Pagka-tingin ko sa kanya ay tulak-tulak na niya 'yung push cart.

"Meat section muna tayo." nauna na akong naglakad at sumunod lang siya sa akin.

Wala akong maisip kung ano ba talaga ang kukunin ko.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon