Chapter 27

118 10 0
                                    


Chapter 27

Hindi ako susuko

"Lena,"

"Hhmm," ungot ko.

"Gising ka na. Dalian mo, nagugutom ako."

"'Wag mo kong bwisitin, Ai. Masasapak talaga kita." umayos ako ng higa at mas lalong hinigpitan ang yakap sa aking teddy bear.

"Gumising ka na! Halos isang araw ka nang natulog," inaalog-alog niya ako. "Wala ka bang pasok, ha?"

Inis akong bumangon and I glared at him.

"Chill," sumusukong sabi niya. "Hanap ka ni Lia. Infarness ang baho ng hininga mo!"

"Gago!" binato ko siya ng unan. Agad naman siyang nakalabas ng kwarto bago pa siya matamaan.

Inayos ko ang higaan ko at nagsimula na rin akong maghanap ng damit ko para maligo. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Lia na nag-color sa coloring book.

"Baby," pagtawag ko.

Napangat siya ng tingin. "Mommy!" maligaya siyang tumayo upang lumapit sa 'kin.

"'Wag kang lalapit sa Mommy mo. Ang baho ng hininga niya," singit ni Ai na abala sa kusina.

"Ang sama talaga ng ugali mo, Ai." padabog akong pumasok sa cr.

"Pero ang ganda mo pa rin!" sigaw ni Ai.

"Wala akong pera, Ai!" sigaw ko.

Tinawanan niya lang ako.

Natapos akong maligo ay agad kong pinuntahan si Lia na busy sa pag-color.

"Sino 'yan, baby?" Tanong ko. Nag-color kasi siya ng disney princess.

"Si Elsa, Mommy," nakangiti niyang sabi.

"Nag-aaral ka na ba?" I asked.

"Yes, Mommmy. Lagi akong dinadala ni Daddy sa work niya,"

"Really?" manghang sabi ko. "You can count one to twenty?"

"Yes po!"

"Try baby."

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at binilang ang bawat daliri niya. "One, two, three, four, five, six, se—"

"Good evening, universe!"

"Kalabaw ka!" sigaw ko. Pagtingin ko ay si Hash at buong kaibigan ko ay nandito. "Ano meron?" kunot-noong tanong ko.

Nabaling ang tingin ni Hash sa batang kasama ko. Sinuri niya ito para bang tinatanda niya. Luminang na lang bigla kanyang itsura ng ma-mukha-an kung sino iyon. "Baby Lia!" nagtakbo agad si Hash kay Lia.

"Po?" mukhang hindi niya matandaan kong sino 'yong yumakap sa kanya.

"Ate Hash, did you forgot me agad?" She pouted.

"Ate Hash?" napaisip siya. "Ate!" nakuha na agad niya kaya agad siyang yumakap sa kanya.

"Ang ingay," reklamo ni Ai. Nasilip tuloy siya sa living room. Nanlaki ang mata niya ng makita kung sino nandito. "Musta?" tanong niya sa kanila habang nagpupunas siya ng kanyang kamay.

"Uy, Ai," tinapik ni Bray ang braso ni Ai. "Ano'ng meron bakit nandito ka?"

"Ayaw mo?"

"Joke lang," Tumawa sila parehas.

Malakas sapak niyang dalawang 'yan.

"Ai," tawag ni Clin.

"Clin!" agad namang niyakap ni Ai si Clin. Si Clin naman ay halos naestatwa.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now