Chapter 39

157 7 0
                                    


Chapter 39

Hoping

Kahit inaantok pa ako ay kailangan kong gumising ng maaga. Si Ai wala na agad sa tabi ko kanina pag-gising ko dahil maaga raw ngayon ang pasok niya. Si Lia naman ay mamaya pa raw ang pasok. Sabay na kami nag-breakfast bago siya umalis ng alas dies ng umaga.

Wala akong effort sa sinuot ko. Ang suot ko lang ay black dress and black three inch heels. Siyempre black din dapat ang clutch ko. Trip ko lang mag-black dahil hindi ako nakapag-lamay kay Aling Apple.

Tanaw ko agad si Shean kahit 10:30 pa lang ng umaga. Maaga akong dumating kasi gusto ko kumain ng fishball kahit ako lang mag-isa kaso nandito si Shean baka sabihin niya naman ay hindi ko siya inaya.

"Fishball tayo?" I slightly tilt my head.

Mukhang hindi niya napansin na nandito ako sa tabi niya dahil sobrang lalim ng kanyang iniisip.

"H-huh?" sa sobrang lalim ng iniisip niya hindi niya siguro narinig ang sinabi ko.

"Fishball? Gusto mo?" ulit ko.

Tumango siya at tumayo habang naka-pamulsa. Ngayon ko lang siyang nakita ng buo dahil sa pagtayo niya. Ang suot niya maong jeans, white t-shirt at black shoes. Pinapa-ikot niya sa kanyang daliri ang kanyang car keys.

"Ay!"

"What?"

"Picknick na lang tayo? Want mo?" masayang suggestion ko sa kanya.

Natahimik siya sandali. Tinignan niya ako ng seryoso, ewan ko kung bakit ganuon siya makatingin sa akin.

"'Wag na lang pala," nakakahiya ka! "Hatid mo na lang ako duon tapos puwede ka ng umu—"

"No, let's go with that picknick thing." sagot niya at naglakad na papalapit sa vendors.

Nagulat ako sa sagot niya kaya napatakbo tuloy akong sinundan siya.

Namili kami ng street foods. Halos suntukin ko na nga siya dahil lahat ng binili ko ay binayaran niya. Ang dami ko kasing binili, nag-crave kasi talaga ako no'n simula kahapon, e tinatamad akong lumabas kaya hinihintay ko na lang 'tong araw na ito.

"Oh sige ikaw ang magba-bayad," determinadong sabi ko. "Pero ako magba-bayad ng pang grocery!"

"Pero—"

"Walang pero pero, tara na!" nagmartiya na ako papuntang paking.

"Fine." rining kong sagot niya bago ako hinabol.

Itinigil niya ang sasakyan niya sa isang gas station. Medyo malayo pala naka-libing si Aling Apple halos isang oras na akong naka-upo sa sasakyan niya malayo pa rin daw kami kaya nag-stop muna kami sa isang gas station.

"Malayo pa tayo?" tanong ko sa kanya. Ang tingin ko ay nasa dalawang chips, hindi ko alam kung ano'ng kukunin ko.

"Medyo." sagot niya habang nililibot ang tingin dito sa convience store.

"Mga ilang oras pa?" nilagay ko sa cart na dala-dala niya ang napili ko.

"30 minutes."

Ang gara talaga nito kausap kahit kailan. Kinakalmahan ko na nga ang sarili ko kahit sa totoo niyan ay lakas ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. Take note: walang effort pa siya kung tumayo, paano na lang kaya kapag—erase erase.

"Let's eat?" biglaang tanong ni Shean.

Nagbabayad ako lahat ng pinamili ko. Pinamili ko lang kasi kapag tinatanong ko siya kung ano'ng gusto niya ang isasagot niya 'it's your choice', 'Ikaw bahala'. Ang galing!

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now