Chapter 12

172 13 0
                                    


Chapter 12

I like you

Hindi ko alam kung bakit niya ako susunduin pagtapos ng klase ko. Siguro gusto niya lang bumawi sa ginawa ko sa kanya nung nagkasakit siya. Gano'n lang naman iyon 'di ba? Sana nga gano'n lang.

Nandito nga pala ako sa school garden nagmuni-muni upang ma-refresh ang utak ko, kakatapos lang kasi ng quiz ng prof namin, e. Ewan ko na-stress lang ako kasi ang daming kailangan ipasa kaya mas mabuting i-refresh ko na lang muna ang utak ko bago ako sumabak sa pag-gawa ng mga iyon.

"Lena girl!" kahit malayo pa lang alam kung si Hash ito.

Pagharap ko ay si Hash nga at kasama pa niya si Givi. "Uy," tawag ko sa kanilang dalawa.

"Why are you here? Do you want some fishball?" sunod-sunod na tanong ni Hash habang si Givi naman ay tumabi sa akin.

"Tara kain tayo," aya ko sa kanila.

"Let's go, girls." maarteng sabi ni Hash at nauna ng maglakad.

"Givi," tawag ko kay Givi kasi sabay kami maglakad.

"Oh?" Topid na sagot niya.

"Wala lang," nginitian ko na lang siya.

"Tss,"

"Ang sungit mo. Meron ka?" tinawanan ko pa siya.

Wala siyang sinabi nanahimik lang.

"Sabi ko nga." pagka-usap ko sa sarili ko kasi parang nakikipag-usap.

Humawak lang ako sa braso ni Givi habang patuloy lang kaming naglalakad. Si Hash ayun nakikipag-usap sa kung sino-sino habang papunta sa mga street food vendors.

"Lena," tinawag niya ako sa paraan ng seryoso. "Alam ko ang ginagawa mo, Lena."

"H-huh?" kaba ang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Givi.

"Alam mo naman na okay lang sa akin ang ginagawa mo," tinignan niya ako sa mata. "Pero—"

"Alam ko..." Sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Hindi ka ba natatakot?" tinigna niya ako sa paraang nababagabag. "Na maulit na naman 'yong nagyari sa sa inyo?"

"Natatakot siyempre, pero—"

"Masaya ka kasama siya, tama ba ako?" Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya. Wala, e,  guilty.

"What's that matter?" Singit ni Hash.

"W-wala..." nag-iwas ako ng tingin kay Givi. "Tara kain na tayo. Libre mo, ah?" Sabi ko kay Hash.

"Okay, I have a lot of money naman, e." Sabi niya sabay labas ng isang libo at. binigay kay manong nagtitinda ng fishball.

"Sana all," tumawa na lamang ako para mawala ang iniisip ko tungkol sa sinabi ni Givi sa akin.

Nagsimula ng kumuha ng fishball, kwek-kwek at ng kung ano-ano pa.Tahimik lang kaming kumakain habang pabalik ng school. Ewan ko ganyan kasi si Givi over protective sa akin–amin. Wala ganun talaga siya pero sanay na ako sa presence niya. Hindi naman masama ang ginagawa ni Givi, gusto niya lang kaming protektahan.

Kakatapos lang klase ko ay agad akong lumabas ng room dahil sa kahit likod pa lang alam kong si Shean ang naghihintay sa akin.

"How's school?" Tanong niya sabay kuha ng libro ko.

"Okay naman. Naiinis lang ako kanina ang baba ng nakuha ko sa quiz, siguro mali 'yong answer key ni Ma'am," natawa na lamang ako sa palusot ko.

"That's is possible?" natawa na rin siya sa sinabi ko.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now