Last Chapter

248 10 1
                                    


Last Chapter

Visit

Iniisip ko pa lang na hindi ito 'yong nagyari sa buhay ko parang ang lungkot parang wala akong magandang patutunguhan. Aaminin ko ang dami-dami kong sinumbat kung bakit sa akin pa ito nangyari? Bakit ako pa? Pero lahat ng naranasan ko nuon ay nginingitian ko na lang kasi biro mo 'yon nalagpasan ko siya, lahat ng 'yon ay napagtagumpayan ko.

Hinang-hina na ako sa lahat na tila gusto ko na lang maging manhid para hindi maramdaman lahat ng sakit.

Ito na ako ngayon, masaya kasi sobra-sobra na 'yong saya naramdaman ko ngayon na tila kuntento na ako sa kung ano'ng meron ako. Alam ko na hindi pa tapos ang pag-subok ng isang tao habang nabubuhay ito pero sa mga napagdaanan ko, ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba ako magiging mahina?

May Shean na ako sa buhay ko, ang dami kong pagkakamali sa kanya ang dami kong regrets pero lahat ay naayon na plano ng diyos para sa amin.

"Ano ba 'yon?" kakagising ko lang ang ingay-ingay ng cellphone ko.

[Ito naman para akong others sa kanya.]

Boses pa lang nabu-bwisit na ako, ka-aga-aga siya pa talaga ang unang tatawag sa akin, hindi puwedeng si Shean na lang, Lord?

"Ano ang atin?" medyo kailangan ko bang gisingin lahat ng cells ko sa katawan dahil mas mahimbing yata ang tulog nila kaysa sa akin.

[Punta ako diyan?] alam kong naka-nguso na ito kahit hindi ko kita ang mukha.

"Tatanong ka pa? Lagi ka nga rito sa bahay kapag wala kang taping!" ni-loud speak ko ang cellphone para makapag-sepilyo ako.

[Seryosong tanong, puwede nga?] ang serious ng boses niya hindi ako sanay.

"Oo naman, bakit ba?" naging mild 'yong boses ko kasi medyo kinutuban ako sa salita niya.

[Sige pupunta na ako.] binaba niya na ang tawag.

Medyo napatulala pa ako kasi iba talaga ang boses niya. May problema ba 'yon? Sa sobrang laki ng mundong ginagalawan niya ay alam ko na sa akin lang talaga siya may lakas na  lumapit.

"Kalabaw ka!" ilang minuto na pala akong nakatulala sa salamin, bumalik lang ang sense ko ng tumunog ulit ang cellphone ko.

From: Shean

Good morning! Do you need anything? Can we go out?

To: Shean

Good morning! Ano'ng oras?

Iniisip ko kasi si Zane na pupunta ngayon tapos nag-aya pa itong aalis.

From: Shean

Now?

To: Shean

May gagawin ako, e.

From: Shean

Ano? Gusto mo samahan kita?

To: Shean

Narito lang naman ako sa bahay kakausapin ko lang si Zane. Kung gusto mo talaga, punta ka na lang ng mga hapon dito, ano deal?

From: Shean

Zayden? Ano pag-uusapan niyo?

Tinatamad na akong mag-type kaya tinawagan ko na lang siya tutal naghihilamos pa naman ako.

"Wala akong idea, e." bungad ko kay Shean ng sagutin na ang tawag.

[Okay, I trust you.] kahit hindi ko siya kita alam kong naka-ngisi na 'to.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now