Chapter 10

186 15 1
                                    


Chapter 10

I miss you, Mommy

Nag-enjoy ako kasama iyong mga kaibigan ko. That time kasi ang plano talaga namin is magpapasko kami ng sama-sama. Hindi ko rin alam kung bakit ang lakas ng topak ni Bray at nagyaya na gumala, as in literal na gala talaga. Pumunta lang naman kami sa resthouse nila Bray siguro kaya nagyaya si Bray kasi magiging busy siya this coming Christmas, wala e, mayaman kailangan nilang mapatakbo ang company nila. But sabi niya gagawan daw niya ng paraan para pumunta sa pasko kasama kami.

So back to work na pala ako. Siyempre back to work nga kaya nandito ako coffe shop assign ako as cashier or pwede ring waiter, kunti lang kasi kami kaya ayun kailangan magdoble ng gagawin.

Si Shean naman ay naalala ko na sabi niya ay ihahatid niya ako, pero hindi ko siya napansin kasi ba naman si Bray, e, ang kulit. Siguro hindi rin siya pumunta, baka narining niya iyong pinagusapan namin ni Hash. Sana nga nakakahiya naman baka pumunta siya tapos wala na ako.

"Good morning universe," masayang bati ni Nayeli, mukang maganda ang mood nito ngayon, ah.

"Good morning," bati ko sa kanya pabalik. "Asan si Hunter?" Tanong ko kasi hindi sila magkasama pumasok ngayon. Ewan ko ba sa dalawang 'to, kung anong meron.

"Ewan ko," sabi niya at umiwas ng tingin.

"Okay." hindi na ako nagtanong tanong mukhang wala kasi siyang balak sabihin sa akin.

Nagsimula na kaming magbukas ng shop namin. Hindi naman gano'n kadami masyado ang tao, maaga pa kasi baka siguro mamaya darami na ang mga tao.

"Good morning," masayang bati ko sa costumer.

"One slice of caramel cake," sinabi niya habang nakatingin sa display na cake.

"Okay. One slice of caramel cake. That's all, Sir?" I ask him habang todo ngiti ako.

"Yes, Lena." tumango pa siya na may kasamang matamis na ngiti sa akin.

Nagulat ako dahil kilala niya ako. "P-paano mo 'ko nakilala?" kinabahan tuloy ako.

"Zane, nakalimutan mo na?" Sabi niya sabay baba ng shades niya.

"Oh," gulat na sabi ko.

"Garabe naman nakalimutan mo agad ako." kunwari pa siyang nasaktan sa bandang chest part kasi hinawakan niya iyon.

"Hindi, ah." umiling ako. "Baka kasi naka-shades ka? Hindi naman bagay sa 'yo." natatawang sabi ko.

"You're so harsh talaga ka, ah!" inirapan niya ako at pasimpleng lumibot ang tingin sa mga costumers dito.

Nagtataka tuloy ako pero pinagsawalang bahala ko lang ito.

"Taray mo naman." grabe naman kasi maka-irap daig pa ang lalaki.

"Ako?" tinuro pa niya ang sarili niya habang naka-nguso.

"Ay hindi ako." pabiro ko rin siyang inirapan.

"Sino mas mataray sa atin?" tumawa pa siya tiyaka pasimpleng binalik ang shades at inayos ang cap niya.

"Tse!" inirapan ko na lang siya kahit takang-taka ako sa mga kinikilos niya.

Hindi naman siguro siya mukhang magna-nakaw kasi mayaman naman siya, base sa suot niya at tindig, malabo talaga. Tiyaka kilala ito ni Mic-mic kaya alam kong magpa-pagka-tiwala-an naman siya. Nagtataka lang talaga ako sa mga kinikilos niya.

"Hindi mo 'ko namiss?" sumeryoso ang boses niya pero meron pa rin ang pilyong ngisi niya.

"Yuck! Bakit kita mami-miss?" tinaasan ko siya ng kilay at pinag-cross ko pa ang braso ko.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz