Chapter 20

145 9 0
                                    


Chapter 20

Natalie

Day had passed, back to work na ako. Nandito ako sa coffee shop assign as cashier. Ilang oras na lang ay malapit na ang lunch break namin. Nagugutom na rin kasi ako kaya gano'n. Para bang kapag nasa school ako mas gusto ko pa iyong recess kaysa sa mismong lesson. 'Wag tularan.

"Ang lawak ng ngiti natin, ah!" asar ni Nayeli sa akin.

"So what?" mataray na sagot ko.

"Sus, dumaan lang ang pasko marunong ka na mag-english!"

"Oh, e mabuti 'di ka nasagasaan?"

Inirapan niya ako. "Ewan ko sa 'yo. Malakas na tama mo." iling-iling niya.

"Ikaw naman malakas tama mo kay Hunter," pangaasar ko.

"Hoy!"

"Ano, huh?" mayabang na sabi ko.

"Bahala ka diyan, tse!" mabigat ang bawat hakbang niya pabalik sa kanyang trabaho.

"Asar talo!" tumawa ako ng pagkalakas-lakas.

Halata naman na gusto niya si Hunter and si Hunter din naman ay may gusto sa kanya. Siguro sila na hindi ko lang alam, o kaya nililigawan na ni Nayeli si Hunter mas mukha naman kasing lalaki si Nayeli, charot!

Na-announce ng manager namin ay half day lang daw kami kasi birthday yata no'ng anak nung may ari. Imbitado nga kami kaso wala akong balak na pumunta kasi nakakahiya mukang pangmayaman lang iyon. Kapag pupunta naman ako ano naman susuotin ko? Kaya 'wag na lang.

"Bye, Lena!" kumaway na si Nayeli sa akin.

"Bye Nayeli, Hunter and everyone!" kumay na ako sa kanila dahil halos sabay sabay talaga kami lumabsa ng shop.

"Bye, Lena, Ingat!" sagot ni Hunter.

"Hunter tara may sasabihin ako sa 'yo," lumapit ako kay Hunter habang ang tingin ko ay kay Nayeli.

"'Wag na tara na!" Suway ni Nayeli. Hinila na ni Nayeli si Hunter papalayo sa akin.

"Ano ba 'yon, Lena?" tanong ni Hunter.

"Ano, sabi ni Nayeli—"

Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko ng tumakbo na si Nayeli habang hila-hila si Hunter. Iling-iling na lang akong naglakad.

Ang cute nga nilang tignan kahit ganuon sila sa isa't-isa ay alam ko na kahit ano'ng mangyari alam kong magiging masaya sila. Kung titignan kasi perfect couple talaga sila.

"Lena," pagtingin ko sa tumawag sa akin ay si Shean pala.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Lumapit ako sa kanya kasi prenteng nakasandal siya sa kanyang sasakyan habang napamulsa.

Pogi!

"I'm with Scarlet," sagot niya.

"Asan?" inilibot ko ang mata ko.

"Tss." asik niya. "In my car," kinuha niya ang bag ko at inalalayan na niya akong sumakay sa kanyang sasakyan.

Pagpasok ko ay nakita ko si Scarlet sa back seat na busy sa kanyang cellphone. "Hello, Scarlet," kumakaway na sabi ko. Tinitignan niya ako na para bang inaalala niya kung sino ako. "Did you remember me? Ate Lena?" tinuro ko pa ang sarili ko.

"Ate Lena?" kunot noong sabi niya.

"Yes." masayang sabi ko. "Ako 'yong nagbalik sa 'yo sa daddy mo, did you remember it?"

"Oh," mukang nakuha na niya. "Ate Lena!" masayang tumalon talon siya sa kanyang upuan.

"Calm down, okay?" tumango tango naman siya. "Can I ask you a questions, baby?" tanong ko sa kanya.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now