Chapter 35

146 10 8
                                    

Epilogue is waving!

(^з^)-♡


Enjoy!💙

==~==



Chapter 35

Hanggang dito na lang

Dumaan ang ilang araw simula no'ng maka-usap ko si Aling Apple, gusto ko siyang bisitahin pero hindi ko alam kung paano. Sabi nga ni Shean ay pinutol ko ang lahat ng connection ko sa kanya kasi kapag hindi ko ginawa ko iyon ay parang wala lang din ang paglayo ko sa kanya.

"Ai," pag-tawag ko kay Ai.

Gabi na kaya nandito kami sa kwarto namin naka-higa ako, yakap ko siya habang siya naman ay naka-upo busy sa kanyang laptop. Problemado pa rin kasi siya sa grades ng kanyang estudyante, meron daw kasing bumagsak talaga, kahit ano'ng dagdag niya na points bagsak pa rin daw.

"Ai," tawag ko ulit dahil hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin o umiik manlang.

"Ano?" taas kilay na tanong niya, ngunit hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

"Mamaya na 'yan," inagaw ko sa kanya ang laptop.

"Bakit ba?" gulat siyang napatanong sa akin dahil sa biglaang pag-kuha ng kanyang laptop.

Umupo ako at niligpit ko sa aking tabi ang kanyang laptop. Sumandal ako sa kanyang braso kaya agad niya akong inakbayan. Malakas akong bumontong hininga dahil sa kaba at sakit na nararamdaman ko.

"May problema ba?" kalmado niyang sabi na para bang tinitimbang aking emosyon.

"N-nakita ko si Aling Apple..." bulong ko pero alam kong rining niya iyon.

"Huh? Saan?" gulat na napaayos ng upo si Ai.

"Kay Shean, sinamahan niya ako," umiwas ako ng tingin sa kanya.

Nai-kwento ko  na lahat kanya simula kung paano ko nakilala si Shean hanggang sa naghiwalay kami. Naalala ko pa noon na tahimik lang siyang nakikinig sa kwento ko habang ako naman ay iyak-iyak sa harap niya kasi iyong panahon na iyon ay kung kailan ko iniwan si Shean. Iyak ako ng iyak sa harap niya hanggang siya naman ay pinapakinggan at pinabayaan lang ako sa mga sigaw ko.

"Kailan pa kayo nagkikita no'ng lalaking 'yon?" sikreto niyang tanong.

"Ano ko iyon siya...ano..." kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin sa akin ni Ai. Natatakot ako sa kanya nagmumukha siyang si Mama.

"Ano?"

"Ano namin...piloto." nayuko ako, ramdam kong matulis ang tingin niya sa akin.

"Kailan pa?" seryosong tanong niya.

"Last, last, last week lang." kinagat ko ang aking pang-ibabang labi sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo?"

"Kuya mo 'ko, malamang!" iritableng niyang saad. "Batukan kita riyan, e!"

"Hayst," padabong akong sumandal sa headboard ng kama. Napatingin ako sa harapan na pintuan iyon ng cr, malim ang iniisip.

"Oh, balik tayo kay Aling Apple." naramdaman kong umayos siya ng upo at sumandal din sa headboard.  "Kailan mo siya nakita? Ano'ng mga sinabi niya sa 'yo? Papuntahin mo naman dito."

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon