Chapter 32

144 12 0
                                    


Chapter 32

I miss you

"About us," seryoso niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang binigay niya sa akin kasi masyado siyang seryoso at straight to the point. Walang paligoy-ligoy.

"A-about us?" patanong kong sabi na nautal pa dahil sa kaba na nararamdaman ko. "Ano'ng meron? Tapos na 'di ba?"

"Yes," he simply said. "I just want to clear the questions inside my head right now,"

"Sige. Tanungin mo na 'ko," I crossed my arms and looking at him straight. Tina-try kong maging normal ang pakiki-tungo ko sa kanya kahit sa kalooban ko ay kinakabahan ako.

"Friends? Are we really a friend, Lena?" he smirked. Halata sa itsura niya ang pagka-irita.

"Bakit? Ano'ng gusto mong sabihin ko?" taas kilay na tanong ko pabalik sa kanya.

"I just courted you for months, Lena," kalmado niyang sabi.

Ano big deal duon? Dapat nga ayun lang ang sinabi ko kasi may asawa na siya. Uulitin ko, may asawa na! Saan bang parte ang hindi niya maintindihan duon?

"So?" iritableng kong saad. "Uulitin ko ang tanong ko. Ano'ng gusto mong sabihin ko?"

He's face become dark. Hindi ko alam kung galit ba siya o na-offend sa mga pinagsasabi ko. Alam kong nag-iba ang attitude ko lately, hindi ko alam kung bakit. Sabi nila ay medyo tumataray na ako. Siguro nga sa mga pinagdaanan ko.

"May 'something'? Ganun ba?" taas kilay ko na tanong sa kanya.

Natatapakan ko ba ego niya? Niligawan niya ako for about months pero hindi ko siya pinayagan kasi ang sabi ko ay focus on my dreams muna ako tapos sabi niya ay maghihintay siya. Magulo din talaga ito, e.

"Tss," asik niya.

"Ang gulo mo!" padabog akong tumayo sa aking inupuan. "Tantanan mo na ako. Gusto ko ng tahimik na buhay." iyon ang huli kong sinabi bago ako naglakad.

Baka makita na naman ako ng tatay niyang kasama ang anak niya. Balikan naman ako at baka sa susunod baka trabaho ko naman ang pag-interesan niya. Peaceful life ang kailangan ko sa ngayon hindi siya.

Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang braso ko, dahil duon ay napahinto ako sa paglalakad. Marahas kong binawi ang braso ko at mataray ko siyang tiningala. Sobrang tangkad niya kasi lalo, habang dibdib niya lang siguro ako.

"May tanong ka pa?" taas kilay na tanong ko sa kanya.

Pinagtripan niya yata ako, e. Ngisi-ngisi pa. Mukang enjoy na enjoy sa pinaggagawa sa akin.

"Come with me," hinila niya agad ako.

"Hoy, ayoko. Inaantok na ako," pagpupumiglas ko sa kanya.

Sa sobrang lakas niya ay hindi ako makapumiglas sa hawak niya sa aking wrist. Hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako dadalhin, tutal hindi pa naman talaga ako inaantok. Ang sabi pa nila maganda daw gumala dito sa Japan kapag gabi.

Madami akong nakitang street food. Ibat-ibang klase parang Pilipinas lang. Madaming tao ang kumain, nagkwentuhan. Napangiti na lang ako dahil sa ilang beses kong pumunta ng Japan ay ngayon lang ako nakapag-libot dito.

"We're going to jewelry shop. I'm going to buy something. It is okay to you?" he asked.

Tinignan ko siya at pinagkunotan ng noo. "May choice ba 'ko?"

Natawa na lang siya sagot ko. Obviously, wala akong choice kundi hindi ang sumama sa kanya. Kapag kasi lumayo ako ay baka maligaw ako at hindi na makabalik ng Pilipinas. Ayaw ko no'n.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon