Chapter 40

219 12 2
                                    


Chapter 40

Old times

Kabado at nanginginig ako rito sa puwesto ko. Wala pa akong balak umalis sa resto ni Hash dahil alas dose pa lang ng tanghali. Kanina pa ako iniwan ni Hash dito kaya para akong tangang nakatulala sa labas.

Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

May pag-asa na ba? Puwede ba ulit? Do you love someone else right now? May girlfriend ka na? Kung wala, puwede mag-apply?

Parang tanga, amp!

Bawiin ko kaya 'yong sinabi ko sa kanya kanina? Sabihin ko may emergency, bumilis bigla 'yong tibok ng puso ko kailan ko magpa-hospital at siya lang ang gamot. Char lang! Kung puwede lang bawiin ko 'yong sinabi ko sa kanya, kanina ko pa ginawa. Bakit naman kasi ako padalos-dalos?

Ano naman sasabihin ko sa kanya mamaya? Wala naman dapat kaming pag-usapan  tiyaka bakit ko naman siya ko-konprontahin mamaya dahil lang sa maling narinig kong chika. May proweba na nga na hindi pala si Tali ang asawa ni Shean pero gusto ko pa rin na masigurado at do'n ko ko-kumpirmahin kay Shean.

Sunod-sunod akong napa-inom hot chocolate kahit sobrang init sa labas. Walang tigil ang kaba na aking nararamdaman sa oras na ito.

"Lena!"

Kalmado kong nilingon kung sino ang tumawag sa akin. Si Bray as always laging maingay, kasama niya pa si Clin na halatang kakagaling lang sa trabaho dahil naka-suot pa sila ng corporate attire. Baka rito sila pumunta para mananghalian.

Tumabi sa akin si Clin habang si Bray ngiti-ngiting umupo sa puwesto ni Hash kanina sa harap ko.

"Bakit kayo nandito?" pinagkunutan ko sila ng noo parehas.

"Bawal na ba kami rito?" sagot agad ni Bray.

Ano pa nga ba aasahan ko sa sagot niya sa akin. Inirapan ko na lang siya at tinignan ko si Clin sa aking tabi. "Bakit hindi niyo sinabay si Givi? Sama-sama sana tayo rito."

"Dinaanan namin kaso may duty pa raw siya." kibit-balikat ni Clin.

Kahit kailan talaga busy iyon si Givi. Siguro sa isang buwan, lima o hanggang walong beses ko lang siyang nakikita. Si Lia pa ang sadya hindi ako. Hindi naman masakit.

"Puntahan ko lang si Hash." Bray tapped the table twice.

Tumango na lang ako at binalik ko ang atensyon sa aking hot chocolate. Sinilip ako ni Clin kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay ka lang?"

"Mukha ba akong hindi okay?" pabiro ko siyang tinawanan.

"Oo, halata." sagot niya.

"Kasi naman, e!" ungot ko at umayos ako ng upo para humarap sa kanya.

"Bakit?" taas ang pareho niyang kilay.

Kinukwento ko sa kanya lahat-lahat. Simula nuong sa Paris hanggang sa ngayong araw na ito. Lalo na 'yong rebelasyon ngayon ni Tali sa akin. Kumpleto, walang labis walang kulang. Tahimik siyang nakikinig sa akin, minsan natatawa sa reaction ko at kadalasan naman akong inaasar.

"S-sa tingin mo pupunta kaya siya?" nautal pa ako dahil sa kaba.

"Oo, pupunta 'yon." sagot niya.

Pupunta naman talaga 'yon, e. Tinanong ko pa para lang akong tanga.

"Alam kong nagda-dalawang isip ka kung pupunta ka ba o hindi." ngumisi siya sa akin.

Napanguso tuloy ako sa sinsabi ni Clin sa akin. Kilalang-kilala niya talaga niya ako pagdating sa ganitong mga bagay. Natatakot kasi ako, e.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat