Chapter 23

143 7 0
                                    


Chapter 23

Thankful

Nandito ako ngayon sa garden ng school gusto ko lang makapag-isa. Ewan ko gusto ko lang magmuni-muni. Back to school na kasi, tapos na ang mahabang holiday break kaya ayun, kailangan kong mag-aral ulit. Balik sa dating gawi ang pag-aaral at trabaho.

Madaming nangyari simula nung natapos ang New year. Iyong nangyari sa rooftop ay para sa akin ay unforgetable memory iyon. Ang romantic ng place and perfect na isalubong ang baong taon. Pagkatapos no'ng nagyaring iyon ay nag-enjoy pa kaming tumingin sa mga fireworks display no'ng condo na iyon. Naisipan pa naming magliwaliw muna bago matulog, nag-swimming naglaro, at madaming activities pa kaming sinubukan. No'ng napagod na kami tiyaka na lang naming naisipan matulog. Hindi ako pumayag na tabi kami at gano'n din siya so napag-kasunduan naming sa kwarto na lang ako ni Sandra matulog. Nagulat nga din akong may kwarto pala siya duon, siguro hindi din imposible sa laki ba naman ng condo niyo ay kasya na ang malaking pamilya.

February na ngayon. Madaming-madami nangyari sa lumipas na isang buwan. Lagi kaming nag-bonding ng mga kaibigan ko, siyempre hindi mawawala iyong kulitan, tawanan, kantahan at madami pang iba. Hindi pa din sila nagbabago kahit ang New year's resolution nila ay magbabago na sila. Asa ka naman kung magbabago talaga sila. May time rin namang hindi kami nagkikita dahil busy sa kanya-kanyang ginagawa sa buhay, siyempre hindi duon mawawala ang pag-aaral nila. Kahit mga tarantado 'yon sila, seryoso naman iyon sa pagaaral kung hindi baka mabatukan kami isa-isa ni Givi, kung hindi kami magse-seryoso.

Naging routine na rin namin ni Shean ang magkita pagkatapos ng klase namin at sabay kaming nag-aaral. Minsan sa condo niya o kaya sa apartment ko o kaya naman sa coffee shop. Ewan ko kung bakit naging gano'n 'yong routine namin siguro dahil pagka-tapos ng last class ko ay laging naka-abang sa akin si Shean. Ang dami na nang nakikipag-usap sa akin at tinatanong kung ano raw meron sa amin ni Shean, siyempre hindi ko alam isasagot ko.

Ano ba talaga kami?

Kasalan ko naman, e. Ayaw ko muna kasi ng mga ganyan-ganyan. Sabi naman niya na willing siyang hintayin ako pero natatakot akong baka bigla na lang siyang sumuko na napagod na siya kakahintay sa akin. Sana naman 'wag, hindi ko kaya.

Inaamin ko naman sa sarili ko na gusto ko naman talaga sa kanya. Sino bang hindi magkakagusto sa lalaking 'yon? Halos lahat ng katangian ay nasa kanya na. Mabait, masipag, pogi, matalino, maalaga at higit sa lahat ay ipaparamdam niya sa sa 'yo parati kung gaano ka niya kamahal.

Ideal man kumbaga.

Pero kasi ayaw ko muna ng ganito, e. Ayaw ko muna, natatakot kasi ako. Natatakot akong masira iyong mga pangarap ko sa buhay. Sobrang lawak ng pangarap ko, hindi pwedeng puro sarili na lang ang inisip ko. May umaasa sa akin na kailangan kong matapos itong pag-aaral ko. Ang laki ng takot sa puso't isip ko na sana hindi mangyari ulit ang nangyari sa amin noon, na hindi namin alam kung paano kami kakain sa isang-araw, na hindi namin alam kung paano malalagpasan ang buong isang-araw na nakakain pa ba kami.

Nakakatakot bumalik ulit ako sa umpisa.

Kumusta na kaya sila? Ano kaya ang ginawa nila? Nuong isang buwan pa ang last na tawag ko sa kanila. Araw-araw ko silang laging nami-miss. Pangako ko sa inyo na hinding-hindi na tayo maghi-hiwalay kapag nakapag-tapos na ako ng pag-aaral kaya mas lalo ko itong pagsu-sumikapan. Para sa inyo lahat ng ginagawa ko kasi kayo ang inspirasyon ko.

"Why are you crying?"

Humarap ako sa nagsalita. Pagtingin ko ay si Shean pala. "H-huh?"

"Come here," inakbayan niya ako para makasandal sa kanyang balikat. "May problema ba?"

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now