Chapter 13

149 14 0
                                    


Chapter 13

Scarlet

Hindi ko alam kung paano ako natakas sa sitwasyon na 'yon at mas lalong hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng umamin siya sa akin. Siguro kailangan ko ng kaibigan na willing akong pakinggan sa rant ko.

"Hello, Bray?" Balak kong kausapin si Bray malay mo makatulong siya sa akin.

[Aga-aga, Lena! Bakit ba?] Nagreklamo siya kasi feel ko nagising ko siya sa masarap na tulog niya.

"Kita tayo, pwede?"

[Bakit anong meron? May problema ka?] Seryosong tanong niya. May narinig akong pagbukas ng kanyang drawer, mukhang balak niya ng samahan ako.

"Punta ka na lang. Mamaya ko na lang sabihin sa 'yo, okay lang? May gagawin ka ba?" nakakahiya naman kung magpapasama ako kung marami siyang ginawa.

[Wala naman. Saan tayo magkikita?]

"Coffee shop na lang. Libre na lang kita."

[Sige papunta na 'ko,]

"Ingat ka, bye bye!" binaba ko na ang tawag at nagsimula nang ayusin ang aking sarili.

Pagdating ko sa coffe shop ay bumungad sa akin si Hunter na naga-ayos ng table. '"Good morning, Lena!" Masayang bati niya.

"Good morning,"

"Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"May kikitain lang," sagot ko at pumunta ng counter. "Asan nga pala si Nayeli?"

"Ah, ewan ko," sabay iwas ng tingin.

"Weh?" Papang-asar na sabi ko.

"Ewan ko nga!"

"Bakit sumisigaw ka?"

"Hindi!"

"E, anong tawag mo riyan?" Sabay irap ko. "Asan ba kasi?"

"Baka nasa pwet ko nagka-kape." irao niya.

May umakbay sa akin at pagtingin ko si Bray ito. "Good morning," bati niya.

"Mag-jowa na kayo?" Tanong ni Hunter.

"Yuck, uy! Pass," sabay layo niya sa akin.

"Yuck," halos sabay pa kaming nagsabi ni Bray nun. Natawa na lamang kami.

"Bagay kayo." mapang-asar pa na ngumiti si Hunter.

"Yuck, uy! Kadiri." sabi ni Bray at tinignan ako ng nakaka-diring tingin.

"Grabe ka naman sa kadiri, Bray! Hiyang-hiya naman ako, 'di ba?" Inis na sabi ko sabay hampas sa braso niya. "Ang pogi mo, e." pinisil ko ang makapal niyang pisngi ng masaktan naman.

"Bakit crush mo na 'ko?"

"Yuck, uy! Ang pangit mo 'di kita type." sabay layo sa kanya at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Ganyan nagsimula Lolo't Lola ko." singit ni Hunter habang tumatawa.

"Share mo lang?" Inis na sabi ko.

"Oo, malay mo kayo pala ang tinadhana, ayieee!"

"Putangina, kadiri ka!" diring-diri kong tinitignan si Hunter at Bray.

Hindi sa nandidiri ako kay Bray sa paraan ng pagtitig ko sa kanya ang akin lang ay kahit ano'ng pilit ay hindi ko talaga siya nakikitang magiging partner ko. Alam ko na gano'n din naman si Bray sa akin.

"Aguy, may crush 'tong si Lena sa 'yo, Bray, baka mamaya umamin na 'yan sa 'yo," panga-asar pa ni Hunter.

"Kaya pala ako pinapunta dito, 'no?" ngumisi pa si Bray tila enjoy na enjoy akong bwisitin.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu