Chapter 21

119 8 0
                                    


Chapter 21

Favor?

"By the way, my name is Natalie Autumn Smith but you can call me Tali."

"A-Aleana Leana Skyler po," pagpapakilala ko.

"I already know you," pambabara niya sa akin. "Let's go. I have to talk to you," tumalikod na siya upang maglakad.

"P-pero, Ma'am may pasok po ako," pagtawag ko sa kanya upang mabitin siya sa paglalakad.

Humarap ulit siya sa akin. "I can pay you,"

"H-hindi po pwede, Ma'am," kinakabahang sabi ko. Kanina pa basang-basa iyong kamay ko dahil sa kaba.

"Tali, okay? I don't want you to call me, Ma'am. You are not my employee," pagta-tama niya. "Please, I need to talk to you,"

"Excuse me, Ma'am may trabaho po kaming kailangan gawin kaya kung gusto niyo po makausap si Lena, hintay na lang po kayo ng matapos ang shift niya." matapang na sabat ni Nayeli.

Hindi ko namalayan na madami na palang nakatingin, nakiki-chismis sa amin na para bang nanood sila ng taping ng isang pelikula.

"For your information, I'm not talking to you," mataray na sabi niya na may kasama pang pag-irap sa hangin.

"Aba, naman talaga!" galit na sabi ni Nayeli.

"Hayaan mo na lang. Kakausapin ko na lang siya." pagaawat ko kay Nayeli. "Ma'am, este Tali magbihis lang po ako kung okay lang?" malumanay na tanong ko.

"Okay," naglakad na siya palabas ng shop habang ang kanyang heels ay tumutunog sa tiles ng aming shop.

"Ang attitude nun, ah?" galit na sabi ni Nayeli.

"Hayaan mo na," umalis na ako para pumunta sa staff room upang magpalit ng damit.

Nagbihis ako ng over size t-shirt na tinack-in ko sa maong shorts, nagsuot din ako ng belt at white shoes. Paglabas ko ay hinahanap ko agad si Tali na  nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan. Lumapit ako sa kanya upang kamatok sa kanyang salamin.

"Get in," sandali niyang binaba iyon upang sabihin sa akin.

Tahimik lang kami buong biyahe ni hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin nitong babaeng 'to. Wala naman sa isip ko na ipapahamak niya ako kasi base sa maganda at makinis niyang mukha ay mabait siya kahit mukang mataray.

"You are not going to ask me?" She asked in the middle of our way.

"P-po?" pag-aalangan na sagot ko.

"You're so beautiful that's why Shean's into you, huh?" nakangising sabi niya. "We're going to my condo, it is okay to you?"

"May choice po ba ako?"

"Siyempre, wala." sarkastikong tumawa siya .

Ewan ko feel ko hindi naman talaga siya masungit. Mukang masungit, oo pero kapag siguro nakilala mo na siya hindi siya gano'n. Hindi na nasundan ang usapan namin dahil mukang wala siyang balak mag-salita o kaya naman mamaya pa niya ako kakausapin.

Pagbaba namin sa condo niya na dito din pala sa Benson kaso ibang building nga lang no'ng kay Shean. Ang kay Shean ay sa kaliwa habang 'yong kay Tali naman ay sa kanan.

"Did you know this place, right?" tanong niya pagbaba namin ng kanyang sasakyan.

"Oo," simpleng sagot ko.

Naglakad na siya habang ako naman ay nakasunod sa kanya. "What did I expect," kibit balikat niya. "Shean brings you here."

Pumasok na kami sa elevator pero walang imikan ang naganap kahit kaming dalawa lang ang nandito sa loob. Pumasok na kami sa condo niya na katulad kay Shean ay dalawang floor at malawak din ito, ang pinagkaiba nga lang ay iyong kulay. Ang kulay ng kanyang condo ay blended with light violet and white.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now