Chapter 08

198 13 0
                                    


Chapter 08

Mic-mic's birthday

Pagpasok namin sa condo ni Shean ay ang daming tao. Si Shean ay hindi na ako nasamahan na hanapin si Mic-mic dahil may nakita siyang kaibigan niya yata, I'm not sure. Malaki naman ito at mukhang kasya kami, dahil hindi mukang crowded ang place.

Nilibot ko ang aking paningin sa mga taong nandito, hindi sila mukhang pamilyar sa akin. Hinanap ko si Mic-mic habang nakatayo lamang sa center upang mas mabilis ko siyang mahanap. Mukhang wala naman pake ang mga tao na mukha akong nakatayo sa gitna habang nililibot ko ang tingin. Mukha siguro akong naiwang pusa dahil sa tayo ko rito. Hindi kasi siya typical na party na may wild ang mga tao. Simpleng birthday party lang siya.

Hindi naman gano'n kahirap hanapin si Mic-mic dahil naka-upo lang siya sa high chair may kausap na kung sino habang nginitian ito. Ang bait niya talaga kahit ano'ng awra niya.

Agad ko siyang nilapitan para batiin. "Hey."

Gulat siyang napatingin sa akin. "How did you came here?" hinila niya ako papuntang kusina at iniwan niya ang kanyang kausap ng walang pasabi.

"Nakita ako ni Shean sa may coffe shop, then ayun na." paliwanag ko.

"Okay." agad siyang tumango. "Have you eaten yet? Do you want something? Are you tired?" sunod-sunod na tanong niya.

"Okay lang ako." ngumiti ako. "Huwag mo akong problemahin."

"Okay." tumango siya.

"Happy birthday!" agad kong sabi. "Sorry wala akong regalo biglaan, e." pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.

Nakakahiya talaga dahil wala akong regalo tapos nakalimutan ko pa! Si Mic-mic 'yan! Ano ba talaga ang nagyayari sa akin, bakit ko nakalimutan ang isa sa importanteng araw ni Mic-mic.

"No, it's okay." he assured.

"Sorry nakalimutan ko rin na birthday mo. Ang dami kasing pinapagawa sa school, kaya ayun nakalimutan ko." pagdadahilan ko, pero alam ko na hindi magandang palusot 'yon.

"Okay nga lang." nginitian niya ulit ako. "Let's, go. May papakilala ako sa 'yo."

Hinila ako pataas at mukang papunta nga kami ng veranda. Madami kaming nadadaan na ibat-ibang tao puro bumabati kay Mic-mic ng 'Happy Birthday' siyempre pinapasalamatan naman niya.

Pagka-akyat namin ay agad kong nakita 'yong babae na nakatalikod. Ang sout niya at crop top shirt partner with faded jeans and black high heels. "Hey, Sandra!" tawag ni Mic-mic sa babae.

Pagkaharap niya ay sobrang ganda at mukang soft ang kanyang features. Mukha siyang anghel na bumagsak sa lupa. Sobra aliwalas ng mukha na mai-intimidate ka kasi sobra niyang bait kahit mukha ko pa lang ang nakikita ko kahit hindi ko pa nakikilala 'yong ugali niya.

Ang ganda na niya sa picture mas gumanda pa siya sa personal.

"Nana this is Sandra my sister." pakilala ni Mic-mic kay Sandra sa akin.

"Alena pero tawagin mo na lang akong Lena." nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Sandra," pakilala siya sabay tanggap ng kamay ko.

"Magkapatid talaga kayo?" naguguluhan na tanong ko.

"Yes, why?" kunot-noong tanong ni Sandra sa akin.

"Wala lang." umiling ako.

Napatingin ako kay Mic-mic kaya napatingin din sa akin. Binigyan niya ako ng tingin na okay lang ang lahat walang magyayaring masama kaya medyo nakahinga ako ng malalim.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now