Chapter 18

133 9 0
                                    


Chapter 18

Merry Christmas

'I love you, Lena.'

'I love you, Lena.'

'I love you, Lena.'

Hindi talaga mawala sa isip ko iyong nangyari kagabi. Ilang minuto akong tulala bago pumasok sa apartment ko. Nagmukha akong tanga dahil nakanganga ako ng ilang minuto, tiyaka na ako namulat sa realidad ay nung may dumaang nagtitinda ng balot.

Bakit gano'n? Sobrang lakas ng tibok ng puso ko! Anong nagyayari sa akin? Kalma, Lena! Kagabi pa 'yon dapat kalmado na ako.

Hangang ngayon ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. May sapak yata 'to dahil kunti na lang lalabas na ito sa katawan ko.

"Lena, okay ka lang?"

"Huh?" gulat na napaupo ako sa kama ko. "Bakit ka nandito, Clin?"

"Malamang aalis na tayo," tumabi siya sa akin. "Bakit kanina ka pa tulala? Hindi mo nga napansin na nandito ako, e."

"P-paano ka nakapasok?"

"Bukas iyong pinto mo,"

"Oh?"

"Oo," tumayo na siya. "Mag-impake ka na aalis na tayo. Magluluto na din ako ng breakfast kasi dadating pa iyong tatlo,"

"Sige sige, salamat!" 

Tanga mo, Lena! Hindi mo manlang nasara iyong pintuan mo! Paano kapag may magnanakaw na pumasok? E, 'di limas buong gamit mo!

Nagsimula na akong mag-impake ng gamit ko. Ang madalas ko lang namang damit na dalhin ay puro oversize t-shirt tapos leggings sapatos, hindi kasi ako mahilig sa dress mukha na nga akong lalaki pero mas malala naman si Givi sa akin hindi talaga siya nagsusuot ng dress.

Paglabas ko ay naabutan ko si Clin na nagluluto ng almusal. "Ano niluluto mo?" tanong ko sabay silip sa kawali.

"Umatras ka nga baka matalsikan ka," hinila niya ako sa braso upang malayo ako sa kawali.

"Sorry na boss," tumawa na lang ako.

"Tignan mo iyang itsura mo, mukha kang panda." tinuro niya ang mukha ko.

"Hindi kasi ako nakatulog kagabi." umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Bakit?"

"W-wala."

"Oh, sige bahala ka," hindi niya na lang ako pinansin at tinuloy niya na lang ang pagluluto niya.

"Morning philippines!" energetic na sabi ni Hash at nagtuloy-tuloy pumasok sa apartment ko.

"Ganda ng mood natin, ah?" sabi ko at tumabi sa kanya. "Nakapag-usap na kayo ni Bray?" tanong ko sa kanya.

"N-no." umiwas siya ng tingin.

"Asan na 'yong dalawa?" tanong ko sabay silip sa pintuan ko.

"I commute." sagot niya.

"Huh?" gulat na tanong ko. "Marunong ka? Paano kung napaano ka?"

"I'm fine!" iritableng sagot niya.

"Hayst bahala ka!" tumayo ako at pumunta na kay Clin.

Naghanda na ako ng mga plato na gagamitin namin habang si Clin busy pa rin sa pagluluto.

"Nagusap na raw sila ni Bray?" mahinang tanong ni Clin sa akin upang hindi marining ni Hash.

"Hindi pa raw." malungkot na sabi ko.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon