Chapter 17

144 10 0
                                    


Chapter 17

I love you

"C-can I court you?"

"H-huh?" sobrang lakas ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko mahanap ang eksaktong sasabihin ko, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.

Ang hirap mag-desisyon.

"Ma'am, Sir baba na po kayo," hindi ko namalayan na tapos na pala ang pag-sakay namin sa ferris wheel.

"Let's go?" bakas sa mukha ni Shean ang pagka-dismayado pero pinilit niya pa rin ibigay sa akin ang matamis na ngiti.

Hindi ako umimik buong biyahe namin pauwi nahihiya ako sa ginawa ko, feel ko na pahiya si Shean.

Hindi ko kayang pagsabayin ang pagta-trabaho, pagaaral, tiyaka siya. Baka pagsisihan ko rin ang magiging desisyon ko sa buhay, ayaw na ayaw kong magyari iyon. Madami akong pangarap sa buhay, madami ako dapat gawin hindi iyong ganto. Gusto ko makapag-tapos ng pagaaral, 'yon talaga ang aking main goal.

"Hey," tawag sa akin ni Shean pagbaba ng kanyang sasakyan.

Hindi ako umimik. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit habang ang aking mukha ay nakabaon sa kanyang dibdib.

"S-sorry..." mangiyak-iyak na sabi ko.

"Hey," ramdam ko na niyakap niya ako pabalik. "That's okay." hinagod-hagod niya ang kanyang kamay sa aking ulo.

"S-sorry..." pag-uulit ko. Ramdam ko na dumadami na ang luha na aking nilalabas at ramdam ko rin na basa na ang kanyang damit. "S-sorry, Shean. H-hindi ko a-alam... a-ayaw ko m-muna..."

"Hey," iniangat niya ang aking mukha sabay punas sa aking luha gamit ang kanyang daliri. "It's okay, no pressure." nginitian niya ako na para bang sinasabi niya na okay lang siya at wag akong mag-alala.

"S-sorry talaga..."

"I can wait, ha?" iyong ngiti niya ay hindi maalis sa kanyang muka. Hinalikan niya ako sa aking noo. "I am willing to wait, okay?"

Agad naman akong tumango.

Kumalas na siya sa aking yakap at hinalikan muli ako sa aking noo. "I'm gonna go," Naglakad na siya papuntang kotse niya.

"Shean!" tawag ko sa kanya.

"Yes?" nabitin ang pagpasok niya sa kanyang sasakyan dahil sa pagtawag ko.

"Babawi ako!" ngumiti ako sa kanya at kinawayan siya.

Nginitian niya ako ng sobrang tamis.

Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko pero kasi...natatakot ako. Natatakot akong isa ito sa dahilan o maging distraction ko para hindi ako makapag-tapos ng pag-aaral. Ayaw kong mangyari 'yon kasi may umasa at may kailangan pa akong alagaan. Marami na akong pagku-kulang sa kanila kaya ayaw kong pati rito ay mag-failed din ako.

Dalawang araw na lang ay pasko na so nandito ako sa condo ni Hash para pagusapan ang gagawin namin sa pasko. Ganito na talaga routine namin since simula pa lang.

Hindi pa din mawala sa isip ko iyong nagyari kagabi na gustong akong ligawan ni Shean. Inaamin ko naman na gusto ko rin siya pero kasi may iba akong priority ngayon ayaw ko talagang masira iyon. Malaki, sobrang laki nun ayaw na ayaw kong masira iyon. Hindi naman masama iyong ginagawa ko pero...

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip simula pa kagabi. Purong guilt ang nararamdaman ko.

"Lena." tawag sa akin ni Clin.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now