Chapter 38

146 11 0
                                    


Chapter 38

See you later?

Hindi ako maka-imik. Hindi 'ko alam kung ano'ng gagawin ko. Hindi 'ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Ang akala ko manhid na ako pero sa sinabi ni Shean nakaramdam na naman ako ng sakit, nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko.

"H-huh?" my voice rattles out words as I refrain from crying.

Yumuko ako at pinigilan ang sarili kong umiyak. Nanay ko iyon, e! Nanay ko! Pati ba naman isa kong Nanay iiwan din ako? Hindi niya pa nga kilala si Lia, hindi pa siya kilala ni Lia, ito na agad ang nagyari?!

Sabi ko na hindi na kaya ng puso ko kapag may pain naman akong naramdaman, hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit. Kailan ba ako iiwasan no'n? Masyado ng na silang kota sa akin. Puro na lang sakit ang nararamdaman ko. Kailan ba ako magiging masaya?

"P-paano?" deretso tanong ko habang tulo ng tulo ang luha ko sa harap niya. Wala akong pake kung mag-mukha akong kaawa-awa.

Bakit ang bilis naman? Hindi ko pa nga nakaka-usap ng maayos, e! Hindi ko pa siya napapakilala kay Lia. Hindi pa niya ulit nakikita ang mga kaibigan ko! Hindi pa niya nakikilala si Zane. Hindi pa sila nakapag-usap ulit ni Ai. Bakit naman gano'n?!

"She was diagnost breast cancer three years ago."

"K-kaya pala..." nanginginig talaga ako. Hindi lang dahil medyo malaming dahil na rin sa sobrang pag-iyak ko.

Kaya naman pala parang namama-alam na siya sa akin. Na para bang alam niya na iyon na ang huling pag-uusap namin. Kaya pala ganuon ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Ang akala ko wala lang 'yon.

Sana pala gumawa ako ng paraan para makita ko siya. Sana pala hindi ko tinaasan ang pride ko na lumapit kay Shean. Madaming paraan pero natatakot kasi ako. Sobrang tanga ko! Ang tanga tanga ko!

"S-salamat..." nanginginig akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo. "S-sige, una na 'ko..."

Medyo natumba-tumba pa akong naglakad dahil siguro sa paghihina ko.

Gusto ko lang muna makapagisip-isip. Ayaw ko muna sa harap ni Shean kasi kapag nakikita ko kasi siya nadadagdagan iyong sakit na nararamdaman ko. Ang bigat sa dibdib, sobrang sakit.

"Hey," maingat niyang hinawakan ang aking braso.

Tinignan ko si Shean at tinaasan ng kilay kahit tuloy-tuloy ang labas ng luha ko sa aking mga mata ay taas noo ko siyang tinignan.

"You want some hug?" he spread his arms for me.

Nangunot ang noo ko. I don't know kung tatanggihan ko ba siya sa alok niya o pagbibigayan. Yumuko na lang ako at dahan-dahan lumapit sa kanya. Yumakap ako sa kanya at binaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.

He slightly tap my back to comfort me. He keep whispering 'sorry' to me.

"We're going to visit Nanay after our flight, okay?"

I shook my head.

I know na may mali sa ginagawa niya at ako kasi may asawa na siya. Agad akong umalis sa yakap niya dahil sa naisip ko na 'yon. Mali at ayaw ko ng away. Kapag may nakakita sa amin ay baka gumulo na naman ang buhay ko.

"S-salamat..." nag-punas muna ako ng luha ko bago tumingin sa kanya. "U-una na 'ko..."

Mabilis akong naglakad pabalik ng unit namin. Nararamdaman kong may tumitingin sa akin kasi mukha akong tanga na umi-iyak habang naglalakad at papasok ako sa elevator.

"Sis, chika!" pag-pasok ko ay ayun agad ang bungad ni Marie sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi ko siya pinapansin. Dumiretso ako sa kama ko at niyakap ko ang teddy bear na binagay sa akin ni Papa nuon.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Where stories live. Discover now