Chapter 26

129 10 1
                                    


Warning: Harrastment, Seft Harm, Abuse.

Chapter 26

Nakakadiri

"She is in coma so there are many complication—"

Hindi ko na tinapos ang sinabi ng doctor at agad akong tumakbo pumunta sa isang chapel dito sa hospital. Agad akong lumuhod sa harap tahimik na nagnanalangin.

'Ama,

Alam ko pong nakikining kayo. Sana po gabayan niyo po kami upang malagpasan itong pagsubok na aming kinakaharap. Nawa'y bigyan niyo rin po kami ng lakas upang masolosyonan itong problemang ito.

Bigyan niyo rin po kami ng talas ng isip upang mapagbayaraan lahat ng ginawa nila sa aking ina. Hinihiling ko din po na sana gumaling na si Mama. Paki-sabi naman po kay mama ito: 'Mahal na mahal kita, Ma. 'Wag mo naman akong iwan, oh. Sasakay pa tayong airplane, tapos gagawan ko pa po kayo ni Papa ng bahay.


Maraming maraming salamat po.

Amen.'

Ilang minuto lang akong nasa ganung posisyon. Umalis na din ako sa chapel pero bago pa ako maka-alis ay nakita ko si Mic-mic na naghihintay sa akin.

"Hey, okay ka na?" tanong niya.


"Pagod na pagod na akong umiyak..pagod na 'k-ko," napayuko na lang ako nararamdaman ko.

"Hindi kita iiwan, promise." hinawakan niya ang aking baba upang mapatingin ako sa kanya.

"Promise?" ngumiti ako sa kanya. "Pinky promise?" tinaas ko ang aking hinliit na daliri at tinapat sa kanya iyon.

Agad naman niyang ginaya iyong ginawa ko and sealed it in heart. "Pinky promise," he replied.

Matapos ang ganap na iyon ay agad akong pumunta sa kwarto ni Mama upang pauwin ko na talaga si Papa. Pagod na pagod na siya, madami na siyang iniisip. Ayaw kong pag-himasukan ang problema pero kasi parte ako ng pamilya, e. Kailangan kong gumawa ng paraan.


Bumungad sa akin ang itsura ni Papa na hawak-hawak ang kamay ni Mama ng sobrang higpit kahit tulog ito. Nilapitan ko siya at tinitignan ko ang bawat parte ng muka ng Papa ko. Sabi nila kamuka ko raw si Papa. Maputi si Papa, kumpara kay Mama. Ang labi niya na medyo manipis ang ilong niyang matangos ang mata niyang may bahid pa ng luha, na siguro nakatulugan na niyang umiyak. Halata sa itsura niya ang pagod dahil sa eye bags na meron siya at ramdam ko din dahil sa lalim ng kanyang tulog.

"Pa," pagtawag ko na may kasama pang pagtapik sa kanyang braso. "Pa, gising ka na. Sa bahay ka na lang matulog,"

"Hhmm," ungol niya.

"Dali na, Pa." medyo nilakasan ko na ang boses ko.

Nagmulat siya ng tingin at tiningnan niya ako ng diretso sa mukha ko. Nangunot ang noo ko dahil may tumulong luha sa kanya mata habang na katingin siya sa akin.

"B-bakit po?" tanong ko dahil sa lutong nararamdaman ko.

Hindi siya sumagot, kung 'di ay sinobsob niya ang mukha niya sa kama. Umiiyak siya ng umiyak. Pigil ang paggawa niya ng ingay dahil alam kong ayaw niya akong mag-alala.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt