S.U. 29 The Gertler

9.9K 285 42
                                    

CHAPTER 29

HAILEY'S POV

Tumawag si Knox para magpaalam na siya'y uuwi na. Hindi niya alam na kasama ko ang Aphotic dread, ang sabi ko kasi ay may inasikaso lang ako sa negosyo. Hindi naman siguro siya magtatanong kay Manang Mi. Pauwi na ako ng bahay, hindi na ako nagpahatid kina Jia dahil may kasama naman akong security. Napagpasyahan namin na bukas ng tanghali sisimulang puntahan ang bawat address na nakasaad sa nakuhang listahan. 

Nakatanggap ako ng text kay Paula. Pagkadating ko raw ng bahay ay sabay na kaming pupunta sa secret area para mapag-usapan ang aking first adventure. Nakaramdam ako ng excitement at kaba dahil malalaman ko rin ang nakuha niyang impormasyon sa kompanya ng mga Gertler.

Pagkababa ko palang ng sasakyan ay sinalubong na ako ni Paula, "Huwag kana bumaba Mam Hailey, diretso na tayo sa secret area. Security kargo ko na si Hailey, may pupuntahan lang kami," wika ni Paula at nagsimula na siyang magdrive nang aking sasakyan.

Nakarating agad kami sa secret area, kumuha muna si Paula nang maiinom at inilapag sa lamesa.

"How's your first adventure?" tanong niya pagkatapos maubos ang kalahating litro ng iced tea.

"Awesomely done!" buong pagmamalaki ko. Kinuha ko sa bag ang aking flash drive na kung saan naka save ang mga video clips.

"Good, wala naman akong nabalitaan na may napansing kakaiba ang security personnel na bantay sa oras na 'yun so I guess nagtagumpay ka!" 

Ngumiti ako at pinagmasdan siya. May sugat siyang pilit na tinatago sa damit. "Tignan ko nga 'yan, bakit tinatago mo? Anong nangyari rito?" 

"Nadaplisan lang, wala 'yan malayo sa bituka." Sunod--sunod ulit ang kanyang pag-inom ng iced tea. Halatang tensiyonado at nangangatal.

"Teka nga, ano ba talaga ang nangyari saiyo? Hindi ikaw 'to Paula, ngayon lang kita nakitang ganyan."

"Minsan ang kilala mong pinakang matapang ay tumitiklop din," makahulugang wika niya.

Niyakap ko siya, ramdam kong may nangyaring hindi kanais-nais sa pagpunta niya sa mga Gertler. "Pwede mo na bang ikuwento sa akin ang buong pangyayari?"

Umayos ng upo si Paula at nagsimulang magkuwento, "Walang nakuhang blueprint, codes at passes ang informant ko sa Gertler's Group of Companies. Ang masaklap pa wala rin akong kakilalang empleyado roon na pwedeng pagtanungan. Pero dahil gusto ko ng matapos ito, nagpunta na ako roon kahit kulang sa impormasyon."

"Nilibot ko ang labas ng gusali. Walang pwedeng pasukan, nakasara lahat ng bintana at pinto. Tsaka hindi lang isa kundi limang security guard ang umiikot sa labas ng kompanya. Naghintay pa ako ng oras, panigurado kasing may break time sila. Hindi nga ako nagkamali, naging dalawa nalang ang bantay dahil 'yung tatlo ay kumain muna. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makapasok. Nagpunta ako sa fire exit door at sinungkit ang key hole ng door knob, medyo mahirap pero nabuksan ko naman. Pagpasok ko, I checked the whole area, madaming cctv sa first floor palang. Naging mahirap sa akin ang mag-ikot at magpadalos-dalos ng kilos."

"Naisipan kong umalis nalang at gumawa nang panibagong plano sa susunod na araw. Ngunit hindi ako nakalabas agad. May bumaril sa akin at nadaplisan ang aking kaliwang braso. Hindi ko mahanap kung saan ito nagmula dahil bukod sa madilim ay napakatahimik nang lugar. Magaling ang bumaril sa akin, hindi ako nakarinig nang kahit anong ingay. Mabilis akong nagtungo sa pinasukan kong pinto. Pagkalabas ko naman ay nakaabang na kaagad ang tatlong security guard. Nilabanan ko sila at napatumba gamit ang kaalaman sa martial arts pero bago ako tuluyang nakaalis nabaril naman ako sa kanang braso. Base sa pagkakabaril, ang anggulo ay nagmula sa itaas. Nagmadali akong tumakbo at tinahak ang aking sasakyan sa 'di kalayuan," seryosong wika ni Paula at pinakita sa akin ang mga braso niya. 

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now