S.U. 22 Like a candle

9.8K 318 80
                                    

CHAPTER 22

HAILEY'S POV

Sinundan ko si Caiden hanggang parking, kailangan ko na talaga siyang makausap ngayon para matapos na.

"Caiden, excuse lang." Wika ko pagkalapit ko sa kanya.

Hindi ako nilingon ni Caiden, eto na nga ba ang sinasabi ko naka mr. smug alert on na naman siya! Nakakainis!

"Hoy, tinatawag kita Caiden, huwag ka ngang magpanggap na wala kang naririnig!" This time nakaharap na ako sa kanya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"What? Hindi mo ba nakikitang nagmamadali ako!" Nakabusangot na sagot ni Caiden, nakakainis na talaga. Pinagtitinginan na naman kami, baka isipin nila naghahabol ako kay Caiden. Malalagot na naman ako, aware lahat sa rule number one at alam nilang pinatawag na ako ng guidance. Ganoon kasi kabilis ang balita sa mga taong walang magawa!

"May sasabihin lang ako importante. At tungkol ito sa christmas for a cause na gaganapin sa school." Malakas kong sabi para marinig din ng mga tsismosang nakatingin sa amin.

"I'll give you 5 minutes to tell me everything you want to say. So faster!" Nagyayabang na naman, bigyan ba naman ako ng time limit!

"Fine Mr. Smug!  First I want you to know that we're planning to include you in the battle of the bands competition. Is it okay with you?" Tanong ko muna sa kanya.

"No." Matipid niyang sagot, eto na naman si Caiden nag papahard to get.

"Why? We need you, since you're one of the best vocalists in our business department."

"I said no, don't you get it? Nagtatanong ka kung okay lang sa akin, sinagot kita ng hindi. Ngayon bakit nangungulit ka pa din?" Ang sungit na naman ng lalaking ito!

"Caiden, please. We want to win this competition since we're aiming to help others, our chosen rural place will be benefited."

"I don't care with that bullshit fund raising!" Nangingiyak ngiyak na ako, sobrang napapahiya na ako sa harap ng madaming estudyanteng nakikinig sa amin. Ang hirap makiusap sa tulad niyang walang puso. Hindi niya ako naiintindihan dahil wala siyang pakielam sa iba!

"But we ne---." Napatingin siya sa kanyang relo at agad na pinutol ang sasabihin ko.

"Times up! Zoe I need to go and again my answer is no." Umalis na siya agad at mabilis na pinaandar ang kanyang sasakyan. I failed, ang bigat sa pakiramdam. Hindi niya man lang pinakinggan ang iba ko pang sasabihin. Napaka bipolar niya talaga ang hirap intindihin ng ganoong klaseng tao. Akala ko hindi na babalik ang inis at galit ko sa kanya, but now after what happened nagsisimula na naman akong manggalaiti sa galit. Nanginginig nginig ang kamay ko sa sobrang inis ng biglang may humawak nito galing sa likuran.

Gulat kong tinignan ang humawak sa nanginginig kong kamay. "Next time if you need help don't hesitate to contact me. I'm here for you my princess, ang mga walang kwentang taong katulad ng nakausap mo ay hindi na dapat pinapansin." Oh my savior prince is here, my bestfriend.

"Thank you, nag-try lang naman ako baka pumayag siyang makasama sa battle of the bands. Masyado akong umasa na papayag siya." Nakasimangot kong sabi sa kanya. I hate Caiden again and again.

"Don't mind him. I will help you. Diba sabi ko sayo andito lang ako, para saan pa at naging band member ako noon kung wala akong kakilalang bands na makakatulong sa problema mo." Tumingin ako sa kanya at nakabalandra ang napakaganda niyang ngiti.

"Really? Thank you very much my prince. Tunay ka talagang savior, kaya love na love ko ang bestfriend ko." Niyakap ko siya agad sa labis na pagkagalak. Pero hindi siya gumanti ng yakap sa akin, may mali ba akong nasabi?

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now