S.U. 13 Guidance & Dean's Office

11.5K 391 116
                                    

CHAPTER 13

AVIANA'S POV

"Excuse me mam, pinapatawag lang po ng guidance si Ms. Sandberg" Narinig kong sabi nung girl na kumatok sa room namin. Oh My!!!

"Ms. Sandberg excuse ka muna ngayon. Pumunta kana muna sa Guidance Office." Sabi na nga ba eh, napakadaming tsismosa talaga sa school na ito. Biruin niyo kanina lang nangyaring lunch time nakarating na agad ang balita.

Tinignan ko si Hailey ng may sobrang pag-aalala. Paano na yan, hindi ko siya matutulungan. Hindi kami pwedeng lumabas ng classroom.

"Buti nga kay Hailey"

"Dapat lang yan sa kanya kinaibigan niya ang parehas na grupo."

"Hindi na kasi nakuntento kay prince, pati si lourd gustong kaibiganin"

"Kawawa naman si Hailey my idol. Sana okay lang siya"

"Hindi dapat ipatawag ng guidance si Hailey. Wala silang ebidensiya"

"Suportahan natin si Idol, tara labas tayo!"

"Lagot tayo kay prof!"

Grabe lang! Ang mga ants talaga umaariba! Palibhasa wala dito si prince, pero kung andito yun hindi sila makakapagsalita ng against kay Hailey. Parang kanina lang sa cafeteria kala mo may naglilista ng maiingay dahil kahit bulungan walang narinig sakanila. Takot kasi kay prince. Napag-alaman ko kasing pinagbawalan pala sila na magsalita ng kung ano-ano kay Hailey.

Pero ngayon nako! Ipagsusumbong ko sila kay Prince eh! Patayo na si Hailey nang biglang tumayo agad ang katabi niya.

"Mr. Houston go back to your seat now!" Sigaw ni prof.

Paano ba naman kasi eksena rin si lourd. Umeepal lang, si Hailey pinatawag pero siya ang nagmamadaling tumayo at lumabas ng room. Gosh! Pati lalaki umaagaw ng eksena.

"Saan pupunta si lourd?"

"Baka mali ang narinig, akala niya siya ang pinapatawag?"

"Ang layo naman ng Hailey sa Caiden no!"

"Baka emergency?"

Nagbubulungan na naman ang mga kaklase ko.

Nilapitan ko muna at hinawakan ang kamay ni Hailey. "Hailey wag kang kabahan ah, andito lang kami. Kung ano man mapag-usapan sabihin mo agad sa amin ok".

"Stop worrying about what can go wrong and get excited about what can go right" Singit bigla ni Aubrille.

"Di ba you want to change the rule, think positive Hailey. Huwag kang kabahan, andito lang kami okay." Pagpapalakas ng loob ni Aubrille.

"Thank you double A's, thank you talaga. Sige punta na ako dun." Sabay yakap niya sa aming dalawa.

"Okay, good luck! Fight for the right!" Pabaon ko sa kanya. Pagkalabas ni Hailey umusok na naman ang ilong at tainga ko sa mga naririnig ko ngayon!

"Girls sinabi ko na sa inyo, hindi tatagal si Hailey dito wahaha!" Ang lakas ng tawa ni Sofia Shin. Grrr nagsisimula na naman ang bunganga ng mga langgam na to!

"Partida wala pa dito si Queen, paano pa kung andito na siya. Baka di na yan abutin ng ilang araw pa!" Pagbibidang wika naman ng isa pang freak ant na si Yarin Pie.

"Aviana huwag mo ng patulan okay? There are some people who always seem irritated and continously look for conflict, all you gonna do is to walk away and leave them alone, the battle they are fighting isn't with you, it is with themselves."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon