S.U. 7 New Faces

14.2K 467 148
                                    

CHAPTER 7

THIRD PERSON'S POV

"How's everything?"

"Mrs. Sandberg, may mga impormasyon pa rin po akong hindi makuha," malumanay na sagot ni Mr. Ocampo.

Napailing si Mrs. Heidy. Nahihirapan silang makakuha ng impormasyon sa pagkamatay ni Mr. Westly noon pa man. Pero naniniwala sila na kahit ano pang tago ng kalaban, makikita at malalaman nila kung sino ang mga ito.

"Even the ownership of Skrivena University, the details are very private. No one's cooperating with me," dagdag ni Mr. Ocampo.

Sa ngayon ay wala pang nababalitaan si Mrs. Heidy na may nangyaring hindi maganda sa loob ng Skrivena University subalit hindi pa rin siya mapanatag dahil baka tinatago lamang ng paaralan ang mga gano'ng pangyayari.

"How about the Gertler's?"

"May impormasyon na ako ng mga investments nila, pati ang lokasyon nila at madalas nilang puntahan. Kung may bagong detalye ulit akong makuha, babalitaan kita agad Ma'am."

Pakiramdam ni Mrs. Heidy ay naging mabagal ngayon si Mr. Ocampo. Dati ay mabilis nitong nagagawa ang mga pinag-uutos niya. Pero ngayon... inaabot ng ilang buwan ang pagkuha ng ibang impormasyon.

"Okay, you may go. Please update me asap. Thanks!"

Lumabas na ng silid si Mr. Ocampo at nasalubong nito si Hailey.

"Good afternoon Mr. Ocampo!"

"Good afternoon Ma'am Hailey."

Mabilis na lumapit sa upuan ni Mrs. Heidy ang kanyang anak.

"Goede Middag sweety!" (Good afternoon)

"Ik mis je mommy," (I miss you) wika ni Hailey. Umupo siya sa tapat ng kanyang ina. "Mommy, may project kami sa school. It's marketing thingy. Het is makkelijk (it's easy), but I'm havi—"

Naputol ang sasabihin ng dalaga. Napaisip siya kung itutuloy niya pang sabihin ang bagay na bumabagabag sa kanyang kalooban. Nahihiya siya dahil tungkol iyon sa isang lalaki.

"Look sweety, I will help you. What exactly do you need?"

Napabuga ng hangin ang dalaga. Hindi agad siya nakapagsalita dahil nagdadalawang isip siya.

"Ugh! No mom, I mean... I'm having a tough time with my partner in that project. He is so arrogant, irritating and super haughty!"

Umikot ang mga mata ni Hailey habang nagsasalita.

"So your partner is a guy. Sweety, ganyan talaga ang ibang mga lalaki. Ganyan din ang daddy mo no'ng nakilala ko siya, masungit at maangas. Pero malalambing ang mga lalaking ganyan base sa naranasan ko. Your dad is one of a kind. He's so sweet and handsome."

Lumawak ang ngiti sa mukha ng dalaga. Nagningning din ang kanyang mga mata dahil nakita niyang umaliwalas ang mukha ng ina. Masaya talagang balikan ang magagandang alaala.

"Grabe mommy kinikilig-kilig ka pa!"

"All I want to say... just cooperate with him and somehow you'll find a good part wherein both of you will complement. And everything will flow into place."

Natawa si Hailey sa kanyang narinig. Hindi pumasok sa kanyang isipan na magiging okay sila parehas ni Caiden. Sa pagkakakilala niya sa lalaking iyon, hindi talaga sila magkakasundo.

"Huwag mo po kami ikumpara sa inyo ni daddy. We will never be okay. He is different, undeniably dissimilar among the others because of his rude arrogance!"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now