S.U. 4 Knowing Everyone

18K 507 218
                                    

CHAPTER 4

THIRD PERSON'S POV

Masaya ang lahat habang nakikinig at sumasayaw sa magandang musika. Ilang oras ang lumipas nang dumating ang kanina pa hinihintay ni Hailey na bisita.

"Hi Frizzy, long time no see," sambit ni Mrs. Heidy nang salubungin ang kanyang matalik na kaibigan. Napansin niyang hindi nito kasama ang kanyang asawa na si Paul.

"Happy birthday Hailey," wika nito sabay abot ng regalo sa dalaga.

Sandaling natulala si Hailey. Kapansin-pansin ang pagtutubig ng kanyang mga mata nang mapako ang tingin sa kanyang kaibigan na si Freja Jaz.

"Mabuti naman kami. Heidy lalong gumaganda ang anak mo, kamusta na kayo?" tugon ni Mrs. Gertler.

Napansin ni Mrs. Heidy ang malaking pagbabago sa postura ng kanyang kaibigan. Ang makinis nitong balat noon ay unti-unti nang kumukupas. Siguro ay dahil nagkakaedad na rin sila. Subalit nabahala siya nang makita ang biglaang pagpayat nito, maging ang mukha nitong naka-make-up naman ay mababakas pa rin ang sobrang kapaguran, lungkot at takot. Dala kaya iyon ng pagiging abala nito sa pagpapalawak ng kanilang negosyo? O may iba pang dahilan?

"Can we talk in a private place?" biglang sabi ni Mrs. Heidy. Tumango naman ang kaibigan at iniwan sandali ang kanilang mga anak.

Kasalukuyang magkaharap sina Hailey at Freja, kapwa nakikiramdam sa kanilang dapat gawin at sabihin. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pigil na pigil ni Hailey ang kanyang mga luha na nagwawala na sa gilid ng kanyang mga mata.

Bago pa man niya pakawalan ang kanyang mga luha ay hinigit niya na agad ang kaibigan at niyakap ito nang mahigpit. Napaawang ang bibig ni Freja sa sobrang pagkabigla.

"Namiss kita FJ, ang tagal nating hindi nagkita. Hindi man lang kita makontak, hindi rin kita mahagilap, kahit ang pinapasukan mong iskul ay hindi ko na rin alam," mahinang sambit ng dalaga.

Hindi gumalaw si Freja. Para lang itong istatwang nakatayo samantalang si Hailey ay punong-puno ng emosyon. Sobrang na-miss niya ito. Tila ayaw na niyang pakawalan pa ito dahil ayaw niyang maghiwalay na naman sila.

"Bakit papasok ka sa Skrivena?" tanong nito.

Napapunas sa pisngi ang dalaga at humarap sa kaibigan, "FJ sobrang kulit kasi nila. Pangatlong beses na nilang pagyaya sa akin 'yan. Naisip ko ay wala naman sigurong masama roon, kilalang University 'yun at siguradong makakatulong sa pag-aaral ko ang advance academic standards nila."

Nanatiling nakatitig si Freja kay Hailey. "Okay it's your choice. Good luck to you and happy birthday," sambit nito at may inabot ding regalo sa kanya.

Sinakop na naman ng katahimikan ang dalawa. Ang daming gustong sabihin si Hailey, subalit kating-kati naman si Freja na iwasan ang mga tanong ng kaibigan.

Tumalikod na lang ito, napansin iyon ni Hailey kaya pigil-hininga niyang inabot ang braso nito bago pa man makalayo.

"Best friend ano'ng nangyari? Bakit ang tagal mong hindi nagparamdam?"

Nang marinig ni Freja ang salitang best friend ay huminto ito. Ilang segundo ang lumipas nang harapin ulit nito ang kaibigan.

"None of your business. Besides you need to be alone! Hindi ba kailangan mo 'yun dahil namatay ang papa mo? Kailangan mong mag-isip-isip kaya iniwan muna kita."

Napatawa ng mapakla si Hailey. Nadismaya siya sa narinig na sagot mula rito. Ang alam niya, ang magkaibigan ay nagdadamayan lalo na sa oras ng kaguluhan dahil kailangang-kailangan ng isa ang karamay. Hinanap niya si Freja, naglaan siya ng oras para makausap ito subalit walang nangyari. Mahirap ata talagang hanapin ang taong nagtatago sa dilim.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now