S.U. 14 Changes

11K 388 85
                                    

CHAPTER 14

THIRD PERSON'S POV

Naiwang tulala ang double A's sa biglang pag-alis ni Hailey at napaghahalatang umiiwas sa tanong nila. Napansin naman ni Knox na nagmamadaling umalis sa parking si Hailey habang papunta siya doon. Akala niya hihintayin siya nito, ngunit nagkamali siya. Hinayaan niya nalang na umalis si Hailey at hindi pinigilan, nakasunod naman agad ang mga security nito. Napag-isip isip niya na baka may importanteng pupuntahan kaya hindi na siya hinintay.

Habang nagmamaneho si Hailey rinig na rinig niya ang mabilis na pintig ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagdalawang isip pa siyang pumili sa dalawang grupo. Madaming tumatakbo sa isipan niya. Ngayon dumagdag pa ang tungkol sa babaeng namatay dalawang taon na ang nakalipas. Hindi siya mapakali at gustong gusto malaman ang tunay na nangyari noon at ano ang kinalaman ng babaeng iyon kina Knox at Caiden para humantong pa sa ganun.

Huminto si Hailey sa isang lugar na malapit sa puso niya. Dito siya naglalagi kapag gusto niyang mapag-isa. Sinabihan niya ang mga securities niya na magpahinga nalang muna doon. Meron silang bahay bakasyunan dito at malayo naman ang mga kapit bahay sa lugar kaya sobrang tahimik, maaliwalas at walang katao tao.

Habang naglalakad siya sa tabing dagat tanaw na tanaw niya ang paglubog ng araw. Naaalala niya ang mga panahon na naglalaro sila ng kanyang ama sa tabing dagat. Tinuruan siya nito paano mang huli ng isda, paano lumangoy at paano magsagwan sa bangka. Umupo siya sa may malaking bato habang nilalaro ang mga paa sa tubig. Hindi man lang niya napansin na malayo na ang narating niya sa kanyang paglalakad.

Dumidilim na sa paligid, pero hindi siya nag-aalala dahil kabisado naman niya ang lugar. Ngunit hindi niya inaasahang may taong nakatayo pala sa likod niya. Hindi ito nagsasalita, pinapakiramdaman muna ni Hailey kung may gagawin ang taong ito na hindi maganda. Unti unting inilalabas na ni Hailey ang baby (baril) niya na nakaipit sa binti at nasa loob ng kanyang palda. Ano mang oras na may gawing masama ang taong nasa likod niya, nakahanda naman siyang sumugod dito.

Bigla namang nagsalita ang taong nasa likod niya. "Mahirap mag-isip kung ang puso mo ay nag-iisip din. Mahirap mag desisyon kung alam mo kung ano ang tama pero ang puso mo ang lumalabag sa tama. Mahirap pa sa kahit anong bagay kung ang puso at isip na ang naglaban. "

Nagulat si Hailey sa mga pinagsasabi ng taong nasa likod niya, boses lalaki ito at naramdaman niyang wala naman itong gagawing masama. Isa lamang ito sa tulad niyang nag mumuni muni din sa tabing dagat.

Tumugon naman si Hailey sa sinabi ng lalaki. "Kung ang puso at isip ay naglaban isa lang ang dapat gawin. Pigilan ito at sundin ang mas nakakalamang."

"Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan at hindi lahat ng di mo kayang intindihin ay kasinungalingan."

Pagkasabi ng lalaking iyon agad na lumingon si Hailey sa likuran niya. Ngunit anino na lamang nito ang nakita niyang papaalis sa lugar.

Lalo tuloy gumulo ang isipan ni Hailey. Pero isa lang ang naisip niyang gawin. Sundin kung ano ang tama para hindi siya mapahamak.

Pabalik na si Hailey sa rest house nila ng may naaaninag siyang mga lalaking nakaupo sa tabi na para bang may hinihintay.

"Mga tol mukhang andito na ang hinihintay natin!" Sigaw ng isang lalaki na hindi niya mamukhaan dahil sa dilim ng paligid.

"Sakto nga naman, hindi man lang tayo nainip. Hi Ms. Sandberg, long time no see!" Madiin na wika ng isa pang lalaki.

Tinignan ni Hailey bawat isa. Apat na lalaki ang nasa harap niya ngayon, hindi niya maaninag ang mga mukha nito dahil madilim na. Pero nakakasiguro naman siyang hindi niya pa ito nakita.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now