S.U. 33 A normal feeling of being a HUMAN

8.9K 304 40
                                    

CHAPTER 33

THIRD PERSON'S POV

"Opo ate, ikukwento ko po," tugon ni Jane Tino kay Paula. Umayos ng upo ang lahat, nakuha ng bata ang atensyon ni Caiden kaya lumapit na rin siya ngunit nakatayo at nakasandal lamang sa may pader.

Ang buong Aphotic dread maliban kay Braxley ay nakaupo sa may sofa kasama ni Paula. Sa hindi napansing pagkakataon, nagising na si Hailey mula sa mahabang pagkakatulog, laking tulong ng mga gamot para maibalik agad ang kanyang diwa. Hindi pinaparamdam ni Hailey na siya'y gising na at minabuti na lamang niyang makinig sa mga sasabihin ng bata.

"Papasok po ako sa school noon nang biglang may humablot ng aking bag sa likod. Nagulat po ako dahil baka magnanakaw pero hindi naman pala. Ang sabi niya sa akin pinapatawag daw po ako ni papa at importante lang," malumanay na panimula ng bata habang iniisip ang mga nangyari noon.

"Naniwala po ako kaya sumama po ako sa kanya at sumakay kami sa van," pagpapatuloy ng bata.

"Nakita mo ba ang plate number ng van?" biglang wika ni King. Napatingin naman si Jane at napakamot sa ulo.

"Hindi po, nawala po sa isip ko at tsaka sa mga oras na 'yun si tatay lang po ang iniisip ko kasi nag-aalala po ako sa kanya," sagot ng bata. Sumang-ayon nalang si King sa kanyang mga narinig.

"Anong year kana ba bata?" tanong naman ni Zaid na ngayon lang nakapagsalita simula nang dumating si Paula.

"Grade 6 po," mabilis na sagot ni Jane.

"Sige Jane ipagpatuloy mo na ang kwento mo," sambit naman ni Paula.

"Ayun po, sumakay kami at bumaba sa isang lumang gusali. Wala pong halos na tao kaya takot na takot po ako. Para pong abandonado 'yung gusali at napakadilim. Sinubukan ko pong tumakbo pero pagtalikod ko ay puro mga lalaki na po ang nasa likuran namin nung lalaking kausap ko."

Napa-isip bigla si Paula, ang gusaling sinasabi ng bata ay 'yung gusaling napuntahan niya kanina. Na ngayon ay maaaring nasusunog na. Sumenyas lang si Paula na ipagpatuloy ni Jane ang kwento.

"Lumabas po sa madilim na parte ng gusali ang isang lalaki. Hindi ko po maaninag 'yung mukha niya dahil madilim. Siya po ay tinawag nilang boss. Narinig ko po ang sinabi ng boss sa lalaking kumuha sa akin na dalhin daw po ako sa bahay ng kanyang anak. Nagduda na po ako, nagtanong po ako kung nasaan na si tatay pero hindi po nila ako sinagot. Niloko lang po nila ako!" umiiyak na sabi ni Jane. Naalala niya kasi ang pangyayaring iyon na halos hindi na siya mapakali sa sobrang kaba at pag-aalala sa kanyang ama.

"Shhh tahan na Jane, maso-solve natin ang case na 'to. Huwag kang mag-alala safe ang papa mo," pagpapatahan ni Paula. Biglang nagliwanag ang mga mukha ni Jane sa kanyang narinig. Naging kampante na siyang ligtas pala ang kanyang ama. Samantala napapaisip naman si Caiden kung bakit nasasabi ni Paula'ng ligtas ang ama ni Jane. May kutob siyang may iba pang nalalaman si Paula at si Hailey.

"Salamat po ate. Pagkatapos po 'nun nagwala po ako at nagpupumiglas gusto ko pong makatakas sa kanila pero mahina po ako. Nakuha nila ako at dinala ulit sa sasakyan. Bago po ako umalis narinig ko pa ang sinabi nang boss nila na huwag daw po ako mag-alala mag-e-enjoy daw po ako sa lugar ng kanyang anak. Hanggang sa makarating na po kami sa isang bahay. Hindi ko po makita ang mga dinaanan namin dahil napaggigitnaan po nila ako," tumigil saglit si Jane at uminom ng tubig.

"Pumasok po kami sa isang bahay na parang luma na, pero sa loob mukhang maayos pa. Pinaakyat po nila ako sa itaas at doon ko po nakita ang mga kuwarto. Hinayaan lang po nila ako roon, umalis sila saglit para bumili ng makakain pero may naiwang dalawang bantay sa baba. Nilibot ko po ang buong kuwarto, tinignan ko pa nga po ang mga bintana kasi baka pwede akong tumakas mula roon pero naka lock na ang mga bintana at hindi ko po kayang buksan. Ang sabi po ng boss bahay ng kanyang anak kaya hinanap ko po ang anak niya baka pwede kong makausap pero wala po akong nakita sa buong kabahayan," dire-diretsong wika ni Jane.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon