S.U. 12 Rule #1

12.2K 390 80
                                    

CHAPTER 12

AUBRILLE'S POV

Nakatamik kaming kumakain ngayon sa cafeteria, nagsimula kasing mag-kainitan ang dalawang grupo. Hindi ko naman sukat akalain na kilala na pala ni Hailey ang Aphotic Dread. Kinabahan talaga ako, akala ko magkakagulo na ng tanungin ni prince si Hailey kung kilala niya sina Jia. Nakakanerbiyos, ayoko kasi makasaksi ng gulo.

"Hailey mag-usap tayo pagkatapos kumain" Narinig kong sabi ni prince.

"Sige Mr. Handsome. Madami rin akong sasabihin". Tugon naman ni Hailey. Gusto kong tulungan si Hailey, sana hindi siya pagalitan ni Knox.

Alam niyo kasi, once na ang isang estudyante naging kaibigan ng Orpic Braw hindi na pwede yun maging kaibigan ng Aphotic Dread or vice versa. Yun ang nadatnan naming number 1 rule dito sa school. Ang immature pero yun ang sinusunod ng lahat. Dahil big deal ang friendship sa dalawang grupo.

Except sa fan girls ha, kasi sila hanggang fan lang, puro kilig at crushes lang. Ang tinutukoy na friend yung nakakasama talaga ng grupo, nakakausap at nakakabiruan. Ayaw daw nila ng may magtataksil sa bawat isa. 

Kaya ngayon kinakabahan ako sa mangyayari kay Hailey. Kung hindi ako nagkakamali papapiliin siya ni prince kung kanino makikipag kaibigan. May isang grupo talaga siyang tatalikuran. Hindi ko pa alam kung ano magiging parusa ng susuway sa number 1 rule pero ang alam ko lang ang magdedesisyon ng parusa ay ang head ng guidance counsilor. Yeap, kasama sila sa walang kwentang rule na ito. Ang stupid di ba? Nakikisawsaw rin ang school sa matagal na hidwaan ng dalawang grupo.

"There are moments where trouble enter our lives and we can do nothing to avoid them. But they are there for a reason. Only when we have overcome them, we will understand why it came." Patama ko kay Hailey, alam kong panibagong pagsubok na naman ito sa kanya.

"Aub ano ba nangyayari?" Bulong ni Hailey.

"Andito lang kami para sayo Hailey, kapag nakapag-usap na kayo ni prince hiramin ka muna namin ni Aviana ha, may dapat ka pang malaman."

"Bakit hindi nalang nga----" Naputol ang sasabihin niya ng binagsak ni prince ang kutsara niya.

"Tapos kana ba kumain Hailey?" Parang pagalit na tanong ni Prince. Holy cow, umiiksi na ata pasensya niya.

"Hindi pa, sorry" Yun lang ang naisagot ni Hailey, si Aviana ayun takot. Lahat kami takot sa dalawang grupo dahil iba sila magalit. Hindi pa man sila nagagalit sa amin, pero naririnig ko naman ang tsismisan ng iba kung paano sila magalit. 

"Tapusin mo muna ang pagkain mo princess. Halos hindi mo pa nagagalaw ang kinakain mo nakikipagkwentuhan kana agad." Bigla naman huminahon si prince. Tinawag na niyang princess si Hailey e, buti nakapagtimpi siya. Kung hindi bawas points yan.

Pagkatapos nun wala ng umimik pa sa amin. Ang ibang miyembro ng Orphic Braw mabilis na natapos sa pagkain at nagsusukatan ng matatalim na tingin sa kabilang grupo. 

"Tapos  na ako, pwede ng magsalita?" May sarkastikong tanong ni Hailey kay prince.

"Okay!" Sagot naman ni prince. Sinulyapan ko si Aviana, gusto ko kasing mag CR kami para makausap namin agad ng solo si Hailey, hindi na ako makapaghintay.

"Mag CR lang ako, kayo girls? Samahan niyo na ako Avian & Hail" Tawag ko sa dalawa.

"Okay sure, need ko na rin mag comfort room, excuse us for a moment" Paalam ni Hailey.

"Sige, we need to talk after that." Tugon ni Prince. Kinakabahan ako sa usap-usap na yan e.

"Tara na bilisan niyo" Sambit ko sa dalawa.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now