S.U. 25 The Two Leaders

10K 303 87
                                    

CHAPTER 25

PAULA'S POV

Natawa nalang ako sa mga nakikita ko ngayon. Sina Mam Hailey at Knox ay masayang nag-uusap sa may waiting area habang ang isa naman ay malayong nakamasid sa kanila. Love triangle? Love is really exciting! Kailan ka kaya mai-inlove Mam Hailey?

Nilapitan ko ang lalaking nakamasid nang hindi niya napapansin. "Hey! Nice seeing you again." Wika ko sakanya, mukha namang hindi siya nagulat sa presensya ko.

"I'm here to visit my friend Braxley." Sagot ni Caiden. Hindi ko naman tinatanong diba, defensive masyado.

"Okay, I just want to thank you for helping Hailey in times of trouble." Tulad ng tatay niyang si Cailex Houston alam kong maaasahan siya sa kabila nang pagiging misteryoso niya.

"I just did the right thing. I'll go ahead." Umalis na siya kasabay ng isang lalaki na mukhang ito ang kaibigang tinutukoy niya.

"Paula let's go, okay na yung result." Narinig kong tawag ni Mam Hailey. Aba talagang magkahawak pa sila ng kamay.

Hinatid kami ni Knox hanggang sa mansyon. Alam kong hindi pa totally magaling si Mam Hailey. Sinamahan ko na muna siya sa kanyang silid, tamang tama naman na wala pa si Tita Heidy.

"Anong nangyari Mam Hailey?" Sana mag-open up siya sa akin, gusto kong tulungan siya.

Hindi siya umimik pero rinig ko ang paghikbi niya, naawa naman ako. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Nakatanggap ulit ako ng threat at dinadamay na ngayon ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko Paula. Hindi ko pa nga alam kung sino ang may kagagawan nito pero nandadamay na sila ng iba!" Umiiyak pa din si Mam Hailey. Mahirap talaga pero kailangan niyang kayanin.

"May nag-iwan ng letter sa locker ko. Sabi tulungan ko daw ang kaibigan ko bago siya mamatay. Mabilis akong nagpunta sa lugar na nakasaad sa sulat. Ngunit isa palang katangahan ang pagpunta ko doon! Isa iyong trap, wala akong kaibigan na bitag nila. Habang nagmamasid ako sa lugar binangga ako ng isang lalaking nakamotor at ito na nga ang nangyari sa akin." Emosyonal na pagkukwento niya.

"Sa tingin ko iisa lang ang nagpadala ng threat sayo noon hanggang ngayon. At malaki ang possibility na ang may gawa nito ay ang mga walang pusong pumatay sa daddy mo." Sambit ko, lalong umiyak si Mam Hailey. Walang magagawa ang iyak niya, hindi maiaalis ng mga luha ang reyalidad na may nagtatangkang pumatay sa kanya.

"Maging matatag ka Mam Hailey, sa kabila ng mga sunod sunod na nangyari sayo alam kong hindi ka pa rin nasasanay. Huwag mong kalimutan ang lahat ng naituro ko, ang mga self defense skills, ang paggamit ng baril at kutsilyo tuwing may kakalaban sayo. Gamitin mo lahat nang nalalaman mo at paniguradong maililigtas mo ang sarili mo kahit wala man ako at mga kaibigan mo."

Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at mabilis na sinagot nang makita ko kung sino ang tumatawag.

[Mam nalaman ko na kung sino ang may-ari ng motor. Siya si John Tino, may asawa't anak at kasalukuyang nagtatrabaho bilang messenger ng Houston Corporation.]

Nag-init bigla ang ulo ko sa mga narinig ko.

[Okay. Thank you.] Mabilis kong wika sabay tago ng telepono. Umiiyak pa din si Mam Hailey habang yakap yakap ang malaki niyang teddy bear na bigay ni Tita Heidy.

So the killer is working in Houston Corporation. Hmm may kinalaman kaya kayo Mr. Cailex and Mrs. Marie Houston after all the things that Tito Westley did, may gana pa kayong kalabanin kami?

"Mam Hailey, I have a lead. John Tino the owner of the plate number is currently working in Houston Corporation. Pero hindi pa tayo sure kung ang mismong bumangga sayo ay si John Tino o hiniram lang ang motor niya." Paliwanag ko sa kanya.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now