S.U. 20 Musical box

10.7K 373 71
                                    

CHAPTER 20

HAILEY'S POV

After a busy week it's time to relax this Christmas season. Nagbigay si mommy ng tickets going to Pattaya, tuwang tuwa talaga ako kaso bigla kong naalala na may aasikasuhin ako ngayong December. Yung Christmas for a cause na inassign sa akin ni dean. Ngayong lunes daw ibibigay ang full details ng event, busy mode ulit ang peg ko. Mukhang after Christmas ko na magagamit ang tickets.

Limang tickets yun, siyempre isasama ko ang double A's. Palagay ko kay Knox nalang yung isa at yung isa pang natira, kahit sino nalang sa orphic braw.

May pasok ako ngayon, naka ready na ang mga dapat dalhin kaso sa school nalang ako mag-aalmusal.

Pagbaba ko naman sa living room hindi ko na naabutan si mommy, nakita ko sila ni Paula pasakay ng kotse. Mukhang may aasikasuhin silang dalawa. Umalis na ko ng bahay with my body guards. Itetext ko nalang si Paula para sa training namin mamayang gabi, hindi ko pa nga pala naikwento sa kanya ang second threat na natanggap ko nung friday.

FLASHBACK

Be with me and we'll going to solve this case together...

Be with me and we'll going to solve this case together...

Be with me and we'll going to solve this case together...

Paulit-ulit ang mga sinabi niya sa utak ko. I can't decide.

"Okay ka lang Zoe? You look pale again." Wika niya, bumalik sa ulirat ang isip ko ng makarinig ako ng salitang pale galing sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis na naman ba ako o dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Hindi ako kumibo. Alam kong napapansin niyang hindi ako makapag-isip ng maayos. Ngayong alam na niya na may natanggap akong threat, hindi malabong magtatanong at magtatanong siya sa akin sa mga susunod na araw. Naiintindihan ko ang sitwasyon ni Caiden. Kahit naman siguro sino mag-aalala, ikaw ba naman makarinig na may nagbabantang papatayin ako sino kaya ang hindi matatakot. May nakamasid sa akin kahit saan, maaaring kilala ko siya o hindi. Kung hindi siguro dahil sa body guards ko wala na ako sa mundong ito.

"Fine, if you're not ready to open up this matter I'm willing to wait. But allow me to carry this damn shit." Sabay kuha niya sa musical box.

"What are you going to do with that?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko pa namang itago kasi balak kong pag-aralan yung boses nung lalaking nagsalita.

"I told you I don't have a definite plan yet, but I will act accordingly." Sagot niya sa akin. Ang gulo talaga nitong kausap, ganoon na rin yun diba? Plan pa rin ang tawag dun kung may balak siyang gawin.

"Okay, it's up to you but after a week please bring it back to me. I have a plan." Napatingin naman siya sa akin, actually nakatitig na sa mga mata ko.

"Fine, then after a week whether you like it or not you will tell me everything. Understood?" Ang kulit talaga ng nilalang na ito.

"I'll think about it." Mabilis kong sagot sa kanya.

"This is my first time to say please. But it doesn't matter if I'll tell you this. Please, please Zoe be careful." Nagulat ako sa sinabi niya. Parang may kung ano akong naramdaman. Kaba ba ito o kilig?

"Thank y--" Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang tumalikod at naglakad ng mabilis tangay ang musical box. As usual ang mga actions na ganyan si Caiden lang ang nakakagawa.

END OF FLASHBACK

Andito na pala ako sa parking ng school namin. Katabi ng kotse ko magkabilaan ay ang mga sasakyan ng body guards ko. Narinig ko ang mga naghihiyawang kababaihan sa bandang dulo ng parking lot. Isa sa mga Orphic Braw at Aphotic Dread ang paniguradong andoon.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon