S.U. 42 Another Secret

7.6K 211 17
                                    

CHAPTER 42 

HAILEY'S POV

"What have you done to him best friend?" malamig na wika niya sabay tutok ng baril sa dibdib ko.

Tinitigan ko siya nang hindi umiimik. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata, hinawakan ko ang baril na tinutok niya sa akin at mabilis na ibinaba. Nanlaki ang mga mata niya, itataas niya na sana ulit ang baril pero may biglang kumatok sa pintuan.

"Good afternoon, I need to check the vital signs of the patient," the nurse said. Mabilis kong itinago ang baby gun ko, itinago na rin ni FJ ang kanya. Hinayaan lang namin ang nars sa kanyang ginagawa.

Nabaling ulit ang tingin ko kay FJ, nakita kong may binubulong pa siya kay Caiden na lalong nagpalala ng inis ko sa kanya. Ano naman ang binubulong-bulong niya!

Pagkatapos niyang bumulong ay tumalikod na siya. Lalabas na sana pero pinigilan ko ang kamay niya, "We're not yet done. I need to know everything FJ, care to explain?"

Ngumisi lang siya at tinabig ang kamay kong nakahawak sa kanya, "I don't care with your needs Hailey!" Tinalikuran na niya ako pero humarap ulit, "Ops before I forgot. Just a simple reminder my dear, don't you ever fall in love with him or else you will get hurt and face the hell!"

"Oh really Fj, my dear bestfriend?" sarkastikong sabi ko at lumapit sa kanya, "I'm pretty sure that you'll be the one who will get hurt to the extent that you might die! Trust me FJ, you'll gonna die!"

"I'm so scared Hailey! Let's see," nakangising sabi niya. Sinabayan niyang lumabas ng room ang nars kaya hindi ko na siya napigilan ulit.

Grabe, ako pa ang pinagbabantaan niya? Ano bang mayroon sa kanila ni Caiden?

"Are you alright?" rinig kong sabi ni Paula na nasa likuran ko na pala.

"Yes, I'm fine."

"May ginawa siya sayo? Nakasalubong ko siya."

"Wala naman, pinakita lang niya na kaya niyang manakit para kay Caiden," inis kong sabi.

"Totoo? Baka ayaw niya ng may kaagaw sa love interest niya. Tignan mo nga naman, magiging magkaribal pa ang mag bestfriend!" natatawang sabi niya.

"Walang nakakatawa Paula! Wala naman akong gusto kay Caiden ah."

Napatawa na naman siya at saka nagsalita, "In-denial ka pa rin hanggang ngayon. Kung gano'n, bakit ganyan ang reaksyon mo? Parang papatay ka ng tao sa galit mo, teka nagseselos ka ba?"

Napatingin ako sa kamay kong nanginginig sa galit. Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan na parang naka-high sa taas ng energy. Galit na galit nga ako, siguro dahil nagkasabay sabay na. Pero ang tanong nagseselos nga ba ako? Ano ba talaga ang nararamdaman ko?

"Natahimik siya, jelly jelly nga ang Hailey Zoe namin," pang-aasar ni Paula.

"Tama na nga, wrong timing 'yan. Busy tayo 'di ba," sabat ko sa kanya. Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. "Hello, mom?"

"Ik mis je, sweetie. (I miss you) We need to talk tomorrow; it's a very important matter, clear your schedules okay?" sabi ni mommy.

"Yes mom, ik hou van je (I love you). Have a safe trip." Binaba na ni mommy ang telepono, mukhang hindi muna matutuloy ang pagpunta namin sa Gertler building bukas.

"Anong sabi ni tita?" tanong ni Paula.

"May pag-uusapan daw na importante bukas. Hindi muna natin itutuloy ang pagpunta sa mga Gertler. Sa susunod na araw na lang," paliwanag ko. Tumango naman si Paula at nagpaalam saglit, may pupuntahan daw siya sa labas. Lumapit naman ako kay Caiden at pinunasan ang kamay niya. Gusto kong mawala ang bakas ng pagkakahawak ni Fj.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now