S.U. 38 Masquerade Dance Party

7K 215 21
                                    

CHAPTER 38

THIRD PERSON'S POV

Saktong alas dose ng hating gabi magsisimula ang masquerade dance party. Pinatayo ang lahat ng mga estudyante sa gitna suot pa rin ang kanilang mga maskara. Ang patakaran ay kapag nagsimulang tumugtog ang musika, kung sino ang kalapit mong babae para sa mga lalaki at lalaki para sa mga babae ang siyang makakapartner nila sa unang sayaw. Tuwing magbabago ang musika ay magpapalitan din sila ng kapareha paikot sa buong stadium.

Inaanyayahan ng student council na ang bawat isa ay dapat makikipag-usap sa kanilang makakapareha. Kapag naman naubos na ang lahat ng kanta at ang masasaktuhang kasayaw nila sa mga oras na iyon ang kanilang magiging dance for your life partner.

Ang dance for your life segment ay isang special romantic dance with your partner. Sinisigurado ng namamahala na magiging makabuluhan at espesyal ang sayaw na iyon at doon na rin magsisimula ang unveiling the mask portion sa harap ng kanilang kapareha.

"Oh my gosh, sana si Prince ang dance for my life partner ko," mahinang sambit ni Aviana. Nagtawanan naman sina Aubrille at Hailey. Nakaayos na sila sa gitna ng stadium at hinihintay ang pagsisimula ng tugtog para makakuha na ng makakapareha.

Nagsimula nang tumugtog ang musika at naghanap na rin ng makakapareha ang bawat estudyante. Ang lahat ay masaya sa bagong experience na iyon. Sumunod naman ang lahat, kinakausap nila ang kanilang kapareha habang sumasayaw. Pagkakataon na rin kasi ng iba na sabihin ang kanilang gustong sabihin dahil hindi naman sila nakikilala. Nabibitin ang ibang mga estudyante kapag biglang nagbabago ang musika dahil hindi pa sila tapos makipag-usap sa kanilang kasayaw.

Sa kabilang banda ang Aphotic dread naman ay busy sa kanilang misyon. Inatasan sila ni Caiden na mag-obserba sa party dahil hindi maganda ang kanyang kutob. Kinakabahan siya na baka may mangyaring hindi kanais-nais kay Hailey.

"Lourd madaming bagong salta. Mukhang outsider," wika ni Zaid. Kasalukuyan siyang malapit sa entrance at ang ibang Aphotic dread naman ay nakakalat sa iba't-ibang bahagi ng stadium. May nakasabit na behind the ear transparent microphone sa kanilang mga tainga at nakakonek sa bawat isa para maging mabilis ang pagpasa ng mga balita.

"Siguraduhin mong outsider sila Zaid kasi baka naman estudyante lang na na-late sa party," sabat naman ni Jia. Siya naman ay naka bantay sa may stage.

"Do your best Zaid, know our enemy," sagot naman ni Caiden. Si Caiden naman ay paikot ikot sa loob at nagmamasid sa paligid.

"As of now sumasayaw pa rin si Hailey," wika naman ni King sa microphone. Siya ang nakatokang tumingin kay Hailey kaya kahit ayaw niyang sumayaw ay nakikisayaw na rin siya para hindi ito mawala sa kanyang paningin.

"Good, how about you Braxly?" tanong ni Caiden. Si Braxly naman ay naka-assign sa labas ng paaralan. Ayaw niya kasing dumalo sa mga ganitong kasiyahan pero inubliga siya ni Caiden na tumulong sa kanilang misyon.

"5 new cars arrived at the moment, with 3 persons inside of each car. Zaid check their profile, I think they're a villain," tugon ni Braxly.

"Need a back up Zaid?" tanong naman ni Caiden.

"No, I can do it," mabilis na sagot ni Zaid. Inabangan ni Zaid ang pagpasok ng mga lalaki na sinasabing villain ni Braxly. Iisa-isahin niyang iche-check ang kanilang mga profile kung sila nga ba ay estudyante o taga labas.

Masaya pa ring sumasayaw ang bawat estudyante sa loob. Maging sina Hailey ay nag-eenjoy na rin. Si Knox naman ay hinahanap kung nasaan si Hailey dahil gusto niya itong maging dance for your life partner. Pero hirap siyang lumipat ng makakapareha dahil makukulit ang mga babaeng nakaka partner niya. Kahit hindi siya nagsasalita ay nalalaman nila na si Knox ito.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now