LIST OF CHARACTERS

8.6K 252 59
                                    

HELLO! Hindi po ito update, ito ang mga characters sa story para hindi po kayo maguluhan. And a brief background of them. 

MAIN CHARACTERS

1. Hailey Zoe Sandberg - Isang dalagang mabait, palaban, sensitibo, matalino at higit sa lahat may mabuting puso, ngunit may dinadalang kapighatian sa pagkamatay ng kanyang ama.  Tinawag na Ms. Gorgeous, My Princess ni Knox, Ms. Dull ni Caiden at My Loves/Ms. Lovely ni Jia.

2. Caiden Brii Houston - Isang binatang misteryoso, madiskarte, matalino at maagang namulat sa pakikipaglaban. Tinawag na Mr. Smug ni Hailey at Lourd ng nakararami dahil sa angas at tapang. Pinuno ng grupong Aphotic Dread.

3. Knox Rei Chen - Isang binatang habulin ng mga babae, likas na mabait at malambing. Tinawag na Mr. Handsome ni Hailey at Prince ng nakararami dahil sa guwapo, palangiti at mabait. Pinuno ng grupong Orphic Braw.

4. Freja Jaz Gertler - Isang dalagang mapagmahal at masunurin. Best friend ni Hailey.

5. Paula Mour - Isang dalagang matapang, matatag, malakas, positibo sa mga bagay bagay at masayahin. Pinagkakatiwalaan at inampon ng pamilyang Sandberg. Instructor at partner ni Hailey sa kanilang layunin na mahuli kung sino ang pumatay kay Westley. 

Other Characters

6. Heidy Sandberg - Ina ni Hailey, mapagmahal, matalino, madiskarte at gagawin ang lahat para sa pamilya.

7. Westley Sandberg - Ama ni Hailey, mapagmahal, maawain at may mabuting kalooban.

8. Marie Houston - Ina ni Caiden, istrikto ngunit mabait at matapang.

9. Cailex Houston - Ama ni Caiden, tahimik, masungit ngunit mapagmahal.

10. Frizzy Gertler - Ina ni Freja, mabait at mapagmahal.

11. Paul Gertler - Ama ni Freja, mabait at matulungin.

12. Eliza Chen - Ina ni Knox, mapagmahal at mabait. May mabuting kalooban at handang tumulong sa kaibigan.

13. Knopper Chen - Ama ni Knox, mabait din at matalino.

14. Aviana Leigh Eun - Kaibigan ni Hailey, mahilig sa fashion. Mabait, may pagkamaarte pero mapagmahal at handang ipagtanggol ang mga kaibigan. Palaban din at isa sa double A's na tinawag ni Hailey.

15. Aubrille Coleman - Kaibigan ni Hailey, mahilig sa quotes. Mabait, matalino, maaalahanin at good advisor. Isa sa double A's na tinawag ni Hailey.

16. Yarin Pie Povlsen - Bitch 1, mahilig pagtripan si Aubrille dahil sa kahinaan at kaduwagan.

17. Sofia Shin Wei - Bitch 2, mahilig pagtripan ang double A's dahil insecure.

18. Mr. Ocampo - Private investigator ng mga Sandberg, at isa sa pinagkakatiwalaan ni Heidy.

19. Mr. Lei - Legal representative ng Skrivena University at head ng guidance office.

20. Aaleyah Lin Finsky - Ang babaeng namatay 2 years ago. May malaking sekretong nababalot sa kanyang pagkatao at pagkamatay. Pinagmulan ng problema.

Members ng Aphotic Dread

21. King Sean Ziff - Matalas ang memorya, matalino at gusto ng kaayusan. Lahat gusto niyang maging malinis, nasa ayos at nasa tama.

22. Zaid Kiah Nisanov - Babaero, malakas ang hatak sa mga babae, palabiro ngunit mabilis kumilos, malakas makipaglaban at masunurin sa pinuno nila.

23. Jia Wang Wei - Malakas din ang hatak sa mga babae, ngunit seryosong magmahal at makipagkaibigan. May katigasan ang ulo at minsang sumusuway sa kagustuhan ng kanilang pinuno na si Caiden.

24. Braxly Yueting - Tahimik, mahilig mapag-isa, matalino at misteryoso. Masaya siyang nag-oobserba lang sa mga nangyayari sa paligid.

Members ng Orphic Braw

25. Mave Troy Holch - Siya naman ang utak ng grupo nila. Mahilig mag-obserba, madiskarte at inaalam muna ang buong detalye sa mga pangyayari bago magdesisyon ng biglaan. .

26. Keith Lewis Zhi - Babaero, mahilig gumimik at madalas napapa-away. May takot kay Knox pero madalas naman tumakas kung may ipapagawa dito.

27. Yosef John Williams - Palabiro, masayahin at ayaw sa gulo. Hanggat maaaring makaiwas sa away - iiwas niya sa away ang grupo. Mahilig sa kahit anong kalokohan at mahilig pagtripan si Knox.

28. Kyler Reid Oetker - Ang maaasahan sa grupo. Mabilis utusan at mapasunod dahil sa madiskarte at magaling sa pakikipaglaban.

Ang lahat po ng ginamit kong family names dito ay galing sa mayayaman at kilalang pamilya sa buong mundo. Dahil mayayaman po talaga ang mga characters.

Si Paula ay inampon lang ni Westley. Nanggaling din siya sa mayaman na pamilya pero maaga siyang naulila kaya inampon nalang, pinag-aral at ginawang katiwala. Si Manang Mi ang kinalakihang ina ni Paula dahil wala pa itong anak at malapit ang loob niya rito simula bata palang. Kaya ang alam ng lahat si Manang Mi na kasambahay ang nanay niya.

Unknown POV -  Malalaman niyo rin...

Thanks for reading, madami pa kayong aabangang sekreto, labanan, pagsubok at pasakit sa mga susunod na chapters.

May pagka family rin po kasi ang theme ng story ko and love story...

Thank you guys! 

Merry Christmas & Happy New Year!

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now