S.U. 50 Chen's Thanksgiving Party

8.3K 238 29
                                    

CHAPTER 50

THIRD PERSON'S POV

Sumakay na sa kanya kanyang sasakyan ang bawat isa. Si Caiden naman ay sumabay sa sasakyan ni Hailey, pero pumuwesto ito sa likuran para hindi agad mapapansin. Hindi pa maaaring malaman ng mga Chen na buhay ito.

"Sa tingin mo ba magagawa natin ang lahat ng nasa plano?" tanong ni Hailey habang tinitignan sa rear-view mirror ang tahimik na si Caiden.

"Everything will fall into place,"diretsong sagot nito. Mababakas ang pagkaseryoso ng bawat isa habang nagmamaneho papunta sa Chen's Zen Resort.

Nangunguna sa daan ang grupo ng Orphic Braw, kasunod ang kotse nina Hailey at Paula. Nasa hulihan naman ang grupo ng Aphotic Dread dahil napagplanuhan nila na magmumula sila sa dagat at palihim na papasukin ang resort mula sa sea shore.

Ang lahat ay may tig-iisang behind the ear microphone na connected sa bawat isa. Hindi naman maiaalis ang kaba ng ilan lalo pa't alam nila na hindi birong kalaban ang mga Chen.

Pagkalipas ng dalawang oras ay nakarating na sila sa intersection kung saan hihiwalay na ang grupo ng Aphotic dread.

"Aphotic Dread do your best, this will be our final battle," sambit ni Caiden habang nakatingin sa side mirror.

"Oo naman Lourd, kami pa!" tugon ni Zaid.

"Yeah," seryosong sabi ni Braxly.

"For my loves and for all of us," wika ni Jia habang nangunguna nang lumiko sa intersection papunta sa lugar kung saan sila sasakay ng private boat.

"Una na kami Lourd," sagot naman ni King. Mabilis na nilang sinundan ang sasakyan ni Jia.

Pagkalipas ng dalawampung minuto, nasa pantalan na ang Aphotic Dread at tinungo ang private boat ng katabing resort ng mga Chen. Binayaran nila ito ng malaki para lamang pumayag na ipahiram ang bangka kahit bawal na itong ilabas tuwing gabi.

Isa-isa na silang pumasok at pinuntahan sa loob ang kailangan nilang tao.

"Boy, dala mo na ba ang kailangan namin?" tanong ni King. Humarap sa kanya ang binata at ngumiti ng malaki.

"Oo naman tol, dala ko ang lahat ng kailangan ninyo." Kinuha ng binata ang isang malaking plastic at inabot kay King.

Binuksan naman agad nila ito at inilabas ang bawat laman. "Teka lang, bakit may pangbabae rito?"

Napabuntong hininga ang binata nang panlisikan siya ng tingin at pinaligiran ng buong Aphotic dread. "Tol, pasensya na. Dalawa lang ang natirang panlalaking uniporme sa stockroom. Aba ang hirap pumuslit doon!"

Napalabas ni Jia ang kanyang baril at itinapat sa binata. "Anong gusto mong gawin namin? Magsuot kami ng pangbabae? Nagpapatawa ka ba?" walang emosyong sabi ni Jia.

"Huwag naman ganyan, pwede naman ito eh. Maluluwag 'yang pangbabae, kasya sa katawan ninyo." Lalong nandilim ang aura ng bawat isa nag marinig ang isinagot nito.

"Don't pay him!" sigaw ni Braxly kay King.

"Huwag naman tol, ang hirap nang ginawa ko. Kung hindi ko lang girlfriend ang nasa housekeeping, hindi ako makakakuha ng uniporme para sa inyo. 'Wag naman, wala sa usapan 'yang baril na 'yan ah!" buong tapang niyang sabi kahit nahahalata na ang panginginig ng kanyang buong katawan dahil sa takot.

Nanlaki ang mata ng binata nang makaramdam siya ng matalim na bagay na nakatatutok sa kanyang likuran. Napalingon agad siya at nakita si Braxly na may hawak na patalim.

"Tol ka ng tol diyan! Pinaglalaruan mo ata kami eh!" wika naman ni Zaid.

"Hindi tol, wala talaga eh. 'Wag naman kayo magalit oh. Edi 'wag nalang mag-uniform ang dalawa sainyo," huwestiyon ng binata.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now