S.U. 30 Finding the Felon

9.8K 305 45
                                    

CHAPTER 30

HAILEY'S POV

Pinaghatian namin ang 35 na address sa buong Luzon. Ang uunahin namin ngayon ay 'yung malapit sa lugar na ito ang West Elite Village, ang pagkakaalam ko sina Freja ay doon nakatira. Pero hindi ako sigurado kung naroon pa rin sila hanggang ngayon.

Napansin ko naman sina Caiden at Jia na nagtatagisan ng matatalim na tingin sa isat-isa.

Anyway excited na ako sa panibagong adventure!

Nakarating na kami sa West Elite Village, tinungo namin ang address na nakasaad dito sa list. 18 address ang pupuntahan namin. Sina King ay 17 lang dahil tatlo raw kami kaya mas madami. Huminto kami sa isang park, simula raw kasi dito malapit na 'yung pupuntahan naming bahay. Bumaba na sina Jia at Caiden ng sasakyan.

"Zoe stay here, we'll going to check the area first," wika ni Caiden saka tuluyang isinara ang pinto ng sasakyan.

Pagkaraan ng limang minuto sinundo ako ni Jia, safe naman daw kaya pwede na akong sumama sa kanila. Pumasok kami sa isang tahanan at nakita ko si Caiden na kausap ang isang matandang babae.

"Iho hindi ko na matandaan, ang tagal na pala niyan taong 2006 pa nabili," rinig kong wika ng matanda.

"May we know your name grandma?" tanong naman ni Caiden. Buti naman hindi siya bastos makipag-usap sa matanda.

"Hihi oo nga pala iho, kanina mo pa tinatanong ang bagay na iyan. Ako nga pala si Anita Del Flor, taong 2015 na ngayon iho kaya hindi ko na matandaan ang laruang iyan," malumanay na sambit ni lola. "Teka kung laruan iyan ng aking apo mainam na siya na lamang ang tanungin ninyo. Sandali lamang tatawagin ko siya." 

Tumayo si lola at nagpunta malapit sa hagdan, "Iha pumarini ka muna, may tatanungin lang ang lola sa iyo."

"Ano ba lola! Busy ako!" malakas na sigaw ng isang babae, siya na malamang ang kanyang apo.

"Sandali lang apo. Makinig ka muna sa lola," pakiusap ni lola.

Nakarinig kami ng kalabog at mabibigat na hakbang mula sa 2nd floor. "Oh ito na ko! At sino naman kayo?" wika ng babaeng apo ni lola pagkaharap sa amin.

"Good afternoon, we are a private surveyor from Toys Elite Company. Nagsu-survey kami tungkol sa isang musical ballerina na na-produce noong 2005 at nailabas sa market noong Dec. 2006," mabilis na dahilan ni Jia.

"Ano namang paki ko riyan?" inis na sagot ng babae.

"Kailangan lang namin 'to sa survey. Iche-check namin kung nandito pa iyong musical box at may free repair kung sira na ito. Kailangan kasi namin malaman kung ang ballerina na 'yun ay matibay at kayang tumagal ng isang dekada dahil nagbabalak ang aming kompanya na mag-produce ulit ng ganitong klaseng laruan na kayang tumagal ng ilang dekada," paliwanag ni Jia.

Magaling ang pinag-usapan nilang idadahilan sa mga customers. Malalaman agad kung nasa kanila pa ang musical box at kung wala naman dahil sira, may free repair namang ino-offer si Jia. Walang lusot, not unless kung naiwala o naitapon na ang musical box dahil hindi na namin mata-trace kung nasaan 'yun.

"Hay naku, alam niyo bang nakakasagabal kayo! Kunin ko lang sa itaas nang makaalis na kayo!" nagmadaling umakyat 'yung babae. Pagkalipas ng ilang minuto bumaba na siya. Mukhang naghanap pa sa kanyang baul.

"Ayan, gumagana pa. Sabi kasi ng daddy ko ingatan daw 'yan dahil mahal daw ang pagkakabili niya," mataray na sabi ng babae at inabot kay Jia ang ballerina.

Pinagmasdan ni Jia ang kabuuan nito at sinabing, "Mabuti naman maayos pa, makakatulong ito sa survey namin. Salamat."

"Now it's done, pwede na kayong umalis!" matigas na sabi ulit ng babae.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now