S.U. 31 Saving the child

9.2K 254 58
                                    

CHAPTER 31

HAILEY'S POV

Ang ganda nang gising ko, masaya akong tumayo at nag-ayos. May pasok na kami bukas, last remaining week bago mag-christmas vacation at ang nalalapit na pag-alis ni Knox. Nalungkot ako bigla, naalala ko ang huling usapan namin. Hindi siya nakapagsalita nang sabihin kong siya naman ang unang mang-iiwan. Hindi kaya tampong tampo na sa akin ang lalaking 'yun? Wala pa rin kasi akong nararamdamang presensiya niya hanggang ngayon.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Lumapit ako at tinignan kung sino.

"Ay manang ikaw pala, bakit po?"

"Magandang buhay po, may nagpapabigay. Balik na po ako sa baba, malapit na maluto ang agahan," wika ni manang na ngiting ngiti.

"Salamat po. Good morning."

Kinuha ko ang binigay ni manang, isang sulat na may ribbon na kulay pula. Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat sa sobre, "Stars can't shine without darkness." 

Napangiti ako, usaping stars ulit. I think its Caiden the star man. Napatawa ako sa isip-isip ko, kung anu-ano na naman ang aking sinasabi.

Binuklat ko na ang sulat at nagsimulang magbasa, "We all have hours of darkness in our lives. Hours when we feel alone, hours when we are depressed, hours when we feel like the world has turned against us, hours when we seemed to have run out of luck, and hours when we feel like life cannot possibly get any worse. But like the quote says, even during these hours of darkness, you can still shine. Your hope can be an example to other people. Your strength can be an encouragement for others who are also struggling. Your perseverance can be your story that you share to help other people. We can all be stars that shine, you're my star Zoe."

Kasabay nang aking pagngiti ang paulit-ulit na pagtalon ng aking puso. Umagang umaga nagpapakilig si Caiden. Tama bang bigyan ko ng meaning 'to? Ayokong mag-assume dahil sabi ko nga sa aking sarili, bawal 'yan. Hindi maaari, learn to wait bago ko pasukin ang buhay pag-ibig. I need to solve the mystery of my dad's death.

Isa pa baka nagiging friendly lang si Caiden, kay Knox naman sigurado akong may nararamdaman na siya sa akin. Kay Caiden kasi impossible, he hates me and I hate him before at nadadala lang siguro ako sa pagiging mabait niya lately at pagtulong sa aking problema.

After my daily routine bumaba na ako para mag-agahan. Nakita ko si mommy at si manang na kumakain. 

"Sweetie, good morning. Kain na rito," sambit ni mommy. Nakabihis na siya at sa tingin ko ay may pupuntahan na naman kahit sarado ang opisina tuwing linggo.

"Morning, saan ang punta mo mommy?" I said and kissed her in cheek. 

"May lakad kami ni Eliza, may i-me-meet na investor."

"Ah, keep safe mommy."

"Sure dear, as always."

Umalis na rin agad si mommy pagkakain. Kasama na naman niya si tita Eliza, nahihiya naman akong kamustahin si Knox sa kanya. Nagtungo muna ako sa aking hardin habang hinihintay si Jia na susundo sa akin. Matagal tagal ko na ring hindi ito nabibisita, masyado akong naging busy simula nang pumasok sa Skrivena.

Madami akong collection ng iba't-ibang klase ng bulaklak at bonsai. Nakahiligan kong magtanim noong 10 years old pa lamang ako. Lagi kasi akong tumutulong kay daddy tuwing may bago siyang biling halaman. Pinaparami niya ito at binibigyan nang sapat na oras at atensyon.

Pagkapasok ko sa aking hardin, lalo akong natuwa dahil hindi pa rin sila napapabayaan. Hinabilin ko kasi muna kay manang Mi ang mga ito. Kapag hindi na busy sa aking misyon, maaasikaso ko na ulit sila. Sunod ko namang tinungo ang hardin ni daddy, magkatabi lang kasi ang aming hardin.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt