S.U. 16 Marketing Event

10.8K 377 116
                                    

CHAPTER 16

HAILEY'S POV

Sino kaya yun? Hindi pa alam ng double A's ang bahay ko. Hindi rin yan si Knox kasi dumidiretso na yun sa loob e.

"Good afternoon Mrs. Sandberg and Ms. Zoe."

OMG!!! Siya?

Bakit siya andito???

"Hi good afternoon too and you are?" Singit ni mommy.

"Hailey's friend, Caiden Brii" Sabay nakipagkamay si Caiden kay mommy. Ano ba naman kasi ang ginagawa nito dito. Tsaka anu daw? Friend?

"Oh, sweetie, say hi to your friend. Wala ka ata sa mood?" Bulong ni Mom. Kung alam mo lang mom. 

"What are you doing here?" Biglang napalingon si mommy sa akin dahil sa sinabi ko. May kailangan yan kaya yan nagpunta dito. Imposibleng wala!

"Hello too Ms. Zoe, you're so sweet. I just want to visit you." Nakakairita hah, after niyang di ako pansinin ng 1 week bigla siyang gaganyan ngayon? Akala mong mabait na tupa.

"You sure? Nothing else? " Napakunot ang noo niya. Nag-mamaang-maangan pa. "I don't need you here." 

"Sweetie? What's wrong? He's your friend. He just want to visit you. You know concern lang siya. Ilang araw ka nawala sa school remember?" Grrr paano ko ba sasabihin na hindi ko friend ang isang Mr. Smug. At hindi ko gusto ang inaasta niya ngayon. Ang bait at magalang. Hindi yan si Caiden!

"Okay, I'm sorry mauna na po ako Mrs. Sandberg." Singit ni Caiden habang nag-uusap kami ni Mom.

"Teka, Caiden join us in our lunch. Gutom lang si Hailey kaya wala sa mood. Let's eat, have a seat." At ito namang si Caiden umupo nga. May topak talaga ang taong ito.

"So, classmate ka ni Hailey?" Pag-uumpisa ni mommy sa usapan nila.

"Yes, mostly in all of her subjects." Sagot naman niya agad. "Excuse me, who cook this dish? It's really great." Papuri niya sa luto ni mom. Nagpapaka good boy. Plastic!

"Really? Ako nagluto niyan. Favorite yan ni Hailey." 

"It taste so good, mukhang mapaparami ang kain ko ngayon." 

"Sige lang, kuha ka lang. Magpapalagay pa ulit ako ng morcon." Ngiting ngiti naman si mommy, I guess nakuha na niya kahit papaano ang loob nito.

"Actually madaming naghahanap kay Hailey sa school. Bigla kasi siyang nawala ng walang pasabi."

"Ano na naman ba ang pino-point out mo diyan Caiden?" Nananahimik na nga ako e, mag-oopen pa to ng another topic!

"Madaming nag-aalala sayo." Mahinahong sabi niya.

"Oo alam ko yan.. Laging nagtetext sa akin sina Knox. Hindi mo na kailangan pang sabihin." Wika ko.

"May sakit ka ba?" Pag-uusisa niya.

"Mukha ba akong may sakit?"

"Uminom kana ba ng gamot?"

"Mukha ba akong may sakit?" kulit nito!

"You look pale." Pagkasabi niya nun, napayuko ako. Wala pa kasi sa sigla ang pakiramdam ko.

"You don't care!" 

"Haha, ang cute niyong dalawa." Singit ni mommy. At napangiti naman si Caiden. First time kong makita ang mga ngiti niya.

"Anyway, makakapasok ka na ba sa monday?" Tanong ulit ni Caiden.

"Yes." Tipid kong sagot.

"Okay. Ipapaayos ko nalang ang booth, ako na mismo pumili ng instrument na ibebenta. Sinabi na sa akin ni Jia Wang ang napili mo, nagdagdag lang ako ng kaunti".

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now