EPILOGUE

11.3K 256 43
                                    

EPILOGUE

HAILEY'S POV

Sa itinagal tagal nang aking paghahanap sa pwedeng paggamitin nitong susi na ibinigay ni daddy kay mommy ay saka ko lang naisip na maaaring ito pala ay para sa safety box na nakuha ko sa tree house. Nakuha ko ang mga papelas at larawan na naroon.

"Sweetie, pang ilang beses mo nang binabasa 'yang mga papeles," rinig kong sabi ni mommy mula sa likuran. Pagkatapos ng malagim na kaganapan sa Chen's resort ay nagpakita na sa akin si mommy, ganoon din si tita Frizzy kay Freja.

Kahit naging masalimuot ang nangyari sa pamilya Gertler, naging masaya pa rin ako para sa bestfriend ko. Ginawa niya pa rin ang alam niyang tama para sa lahat. Ang mga labi ni tito Paul ay nakuha namin sa garden villa. Ipinalibing na rin nila agad ito pagkalipas ng tatlong araw. Sa mga panahon na iyon ay hindi ko pa rin iniwan ang best friend ko, kahit hindi niya ako pinapansin ay pinaparamdam ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Ayokong maramdaman niya ang mga naramdaman ko noon nang mamatay si daddy. Na walang kaibigan, walang best friend na makakaramay.

Sa mga pinagdaanan namin, sobra akong nagpasalamat dahil napatunayan kong mahal niya pa rin ako, kahit hindi niya pinapahalata. May katigasan kasi ang puso niya pero alam kong may soft part pa rin iyon. Alam ko pa ring may mga hinanakit siya sa akin at iyon ay mawawala na lamang sa tamang panahon.

Wala naman kasi akong ginagawang masama sa kanya, hindi ko intensyon na mas magustuhan ako ng iba kaysa sa kanya. Hindi ko hawak ang nararamdaman ng ibang tao, gusto kong mawala ang inggit na nararamdaman niya pero mukhang sarado pa rin ang isapan niya hanggang ngayon. Kasalukuyang nagbabakasyon ang pamilya Gertler sa Canada.

"Mommy hindi pa rin kasi ako makapaniwala na owner din pala si daddy ng Skrivena University at inilihim sa atin nang ganoon katagal," sambit ko. Nang makuha ko ang mga papeles sa safety box, doon lang namin nalaman na ang owner ng Skrivena ay ang tatlong magkakaibigan. Sina daddy, tito Paul at tito Knopper. Nang mawala na si daddy at tito Paul noon, si tito Knopper na ang humawak ng unibersidad. Kaya rin pala ang mga nangyari sa akin, ang mga threats na natatanggap ko roon ay nasa kontrol nang namamahala ng paaralan.

Ipinasa ng kanilang yumaong propesor ang pamamahala sa unibersidad, tinawag na Skrivena ang school dahil gusto ng guro na maging hidden o secret ang pagmamay-ari niya nito. Mukhang paborito ng kanilang guro ang magkakaibigan kaya ipinagkatiwala ito sa tatlo. Pinanindigan din naman nila daddy ang sikreto nang pagmamay-ari ng paaralan kaya pala kahit sina mommy ay walang kaalam-alam.

"Yes, ngayon ang hahawak na ng Skrivena ay kaming mga asawa. Ako kasama sina tita Elisa mo at tita Frizzy," wika ni mommy. Iniabot ko na sa kanya ang mga papeles para maitago. Kinuha naman niya ito at isinilid sa kanyang bag. Isinarado niya na rin ang mga bintana dahil kumakapal na ang snow sa labas.

"Sweetie, tutuloy ka ba mamaya?"

Humarap ako sa kanya pagkainom ko ng kape. "Opo mommy, malapit na mag June, magsisimula na ulit ang klase." Pilipinas, malapit na akong bumalik sa bansa kung saan samu't saring pagsubok ang naranasan ko.

"Okay, baka kasi magbago isip mo at sa akin ka na lang sumabay, uuwi ako sa June 1."

"Hindi na mommy, gusto ko mas maaga akong makakauwi sa Pilipinas." Naalala ko naman bigla si Paula, wala na pala akong madadatnat na ate pag-uwi ko. Isang buwan na rin ang nakakaraan nang umalis na siya sa Pilipinas. Lilibutin niya raw ang buong mundo, pero halata namang may gusto lang siyang alamin sa kanyang pagkatao.

"Sige ikaw ang bahala anak, maiwan muna kita sweetie, may tatawagan lang ako," paalam ni mommy. Hinalikan niya ako sa noo bago siya umakyat sa opisina niya.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now