S.U. 15 Worrying Part

10.7K 381 94
                                    

CHAPTER 15

UNKNOWN'S POV

"What happened?"

"Lumaban si Ms. Sandberg. Magaling siya sa martial arts, nasaktan niya ang dalawa sa kasamahan ko at napatay niya naman yung isa. Pero yung dalawang nasaktan ay tuluyan ng namatay dahil may dumating at tumulong kay Hailey."

"Ano? Nagawa niya pang patayin ang isa sainyo? Ibig sabihin lang wala pala kayong kakwenta kwenta!!! Nagawa pa kayong saktan ng isang babae! Ano bang alam niyo sa pakikipaglaban? Baka puro kayo laro!"

"Pasensya na boss. Hindi rin namin alam na may alam siya kahit papaano sa pakikipaglaban."

"Sabihin mo lang mga inutil kayo!!!"

"Pero nasaksak namin siya boss. May dumating lang talaga na lalaki at tumulong sakanya."

"Asshole! Madumi ang trabaho niyo! May nakakita pa at tumulong sa batang yun!"

"Pasensya na boss. Malakas din yung tumulong kaya nawalan na rin ako ng laban para bawiin si Hailey sa kanya."

"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Wala talaga kayong mga utak!"

"Hayaan na!!! Okay na rin yan, natakot niyo si Hailey. Sigurado akong gulong gulo na ang isip niya wahaha!"

"Lumayas kana sa harap ko inutil!"

Unang pagsugod palang ito Ms. Sandberg. Makakaasa kang masusundan pa ang pananakot ko at mauulit pang dadalhin-dalhin ka sa hospital! Papahirapan kita ng sobra... Sobra sobra!

Poor Hailey, kung hindi dahil sa traydor mong ama hindi mo mararanasan ito. Pero dahil nga sa traydor si Westley, titirahin ko kayo ni Heidy ng patalikod. Mararanasan niyo rin ang naramdaman ko ng pagtaksilan ako at gawin ito sa akin ng magaling niyong haligi ng tahanan!

AVIANA'S POV

Oh my gosh! Ilang araw ng hindi pumapasok si Hailey. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Sabi ng prof namin sa monday na sisimulan ang marketing event. Alam ko hindi pa sila nakakapag-usap ni lourd. Knowing Caiden hindi yan magpapatalo sa mga ganyan. Ayaw nun makakuha ng mababang marka kaya kahit wala si Hailey icocontinue niya pa din.

"Class do you have an update from Ms. Sandberg?" Wika ni prof. Hindi niya kasi alam bakit wala pa si Hailey hanggang ngayon. Kami rin naman. Walang sumagot sa mga kaklase ko.

"Mr. Houston, do you know where's Hailey?" Tanong ni prof sa partner nito sa project. "I don't know and I don't care." Mabilis na sagot ni Caiden. Napaka bastos talaga ng lalaking to.

"Okay, I'm going to ask the admin office regarding this. See you tomorrow." Tugon ni prof. Naiinis talaga ako sa Caiden na yan, napaka walang kwenta. Kung sabagay bakit nga naman siya mag-aalala e hindi naman sila magkaibigan.

"Tara na Aviana, nagugutom na ako." Paanyaya ni Aubrille. Habang naglalakad kami palabas ng room nakita ko na naman si prince na nakaabang sa labas. Araw-araw nalang siyang naghihintay kay Hailey. Nakakaawa nga ang itsura niya dahil wala naman dito ang hinahanap niya.

"Vian good morning, Do you have a minute?" Gosh, kinakausap ako ni Prince. Yayayain niya kaya ako magdate? Kinikilig na naman ako waah!

"Hoy Aviana tinatanong ka ni prince, natulala ka naman diyan!" Sabay batok sa akin ni Aub. Ang sama talaga nitong babaeng to, panira ng poise. Batukan ba naman ako sa tapat ni prince. Hmp!

"Yes, kahit one hour pa pwede kami. hihi.." Malumanay na tugon ko naman. Ang guwapo niya talaga, nararamdaman ko ng nahuhulog ang panty ko. Gawd, paano ko to itataas? haha.. Bitchy mode ON! 

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon