Chapter: 1

5.8K 93 3
                                    

*Present*


Danielle (POV)


Nagulat ang lalaki na abala sa pag titingin ng mga damit sa rack ng bigla niya itong tinapik sa braso. "Danielle gusto mo ba akong atakihin sa puso babae ka?"


Napatawa siya ng lumabas ang pagka bakla nito. "Sorry." Nag peace sign siya. "Umayos ka nandiyan lang sa tabi si Cathy."


Umayos ito ng tayo at nagpalinga-linga sa paligid. "Nasaan?"


"Binibiro lang kita, wala dito si Cathy." Tatawa-tawang aniya.


Si Cathy ay kaibigan niya at girlfriend naman ni Macky. Macky is a gay but Cathy doesn't know. Siya lang ang nakakaalam na bakla ito.


"Naloko mo na naman ako." Sumimangot ito at bumalik na sa ginagawa. "Bakit ilang araw kanang hindi nagpupunta dito sa boutique mo?"


"May mga ipinagagawang gown si Mrs.Tan para sa mga model niya na aattend sa isang party. Naging busy din ako kaya hindi ko na nagawang pumunta dito at nawawala sa isip ko na tawagan ka." Tiningnan din niya isa-isa ang mga gown. "Ito ba ang mga bagong binili mo?"


"Yes. Mura kong nakuha ang mga iyan dun sa kakilala ko."


"Mamahalin ang mga telang ginamit sa mga ito Macky. Sigurado kabang mura mo lang nabili ang mga yan?" Nagtatakang tanong niya.


"Oo naman, malaki ang kikitain natin sa mga ito kaya kahit nakakaduda na mura lang ibinigay sa akin ng may-ari ay binili ko na."


"Gaano mo kakilala ang taong iyon?"


"Hindi gaano. Last week ko lang siya nakilala sa isang party na dinaluhan ko. Nang malaman niya na co-owner ako ng isang boutique ay inalok nga niya ako na bilhin ang mga yan."


Tumango-tango siya."O-okay."


"Tuloy ang punta ko sa canada. Matatagalan siguro ako doon."


"Kailan ang alis mo?"


"The day after tomorrow. Si Cathy na muna ang bahalang tumulong sayo sa pag papatakbo nitong boutique mo."


"Hindi na kailangan. Kaya ko naman ito ng mag-isa."


"I know, pero mas marami kang importanteng bagay na kailangang gawin. Kaya mo nga ako kinuha dito para may makatulong ka, pero iiwanan lang-"


"Hindi mo naman ako iiwan kung hindi importante ang pagpunta mo sa Canada."


Pupunta ito sa Canada dahil nagkasakit ang mommy nito.


"Salamat naintindihan mo ako. Promise, babalik agad ako dito kapag okay na si mommy."


"Okay lang, hindi mo kailangang magmadali sa pag balik dito. Ano pa lang oras ng flight mo sa makalawa?"


"First thing in the morning. Why?" Anito at inutusan si Bella na ipagtimpla sila ng kape.


"Ihahatid ka namin ni Cathy sa airport. Bawal kang tumanggi." Agad na sabi niya dahil alam niya na tatanggi ito.


"But Danielle-"


"No more buts, Macky."





        ********




Mikael (POV)


"CANCEL all my appointment, Tina." Madilim ang mukha at galit na sabi niya sa nadaanang secretary na abala sa harap ng computer.


Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now