Chapter: 4

3.1K 78 0
                                    

Danielle (POV)



Kinabukasan ng magising ay masama ang pakiramdam niya. "Hon, si yaya Jane muna ang maghahatid sayo sa school, okay?"



Rainier nodded. "Okay mom." he stare at her. "Are you sick?"



"No, but I'm not feeling well." nginitian niya ito.



"Take a rest mom."



"Okay I will, don't worry."



Maglilimang taon pa lang si Rainier pero kung minsan ay matanda na itong magsalita at kumilos.



"Rainier, lets go, male-late kana," sabi ni Jane na dumungaw sa pinto ng kuwarto niya. "Ma'am, aalis na ho kami."



"Sige mag-iingat kayo." hinalikan niya at bahagyang niyakap si Rainier. "Behave okay?"



"Yes mom, I will" anito at patakbong lumabas na ng kwarto.



Huminga siya ng malalim at pinilit ang sarili na bumangon para maghanda sa pagpunta sa boutique. Mahigit isang oras lang ay nasa Rain boutique na siya.



"Good morning ma'am." Sabay na bati sa kanya ng apat nilang sales lady.Pang lima si Bella na nasa cashier.



"Magandang umaga." balik na bati niya at dumiretso na sa office. Natigilan siya sa pag sasara ng pinto ng makita ang isang bungkos na mga bulaklak na nasa desk niya. "Bella?" nagtatakang lumapit sa kanya ang babaeng tinawag niya. "Saan galing ang mga iyan?"



"Wala hong sinabi ang nag deliver."



"Sige bumalik kana sa trabaho." nang makaalis si Bella ay isinara na niya ang pinto at nilapitan ang mga bulaklak. Salubong ang kilay na kinuha niya ang card na nakaipit sa bungkos na bulaklak. "Your handsome boyfriend" basa niya sa nakasulat. "Handsome? who the hell is he?"



Her cellphone suddenly rang. Alinlangang sinagot niya iyon dahil hindi niya kilala ang number ng tumatawag. "Hello?"



"Hello, you like the flowers I send?"



"Who's this?" tanong niya kahit may hinala na siya kung sino ang lalaking kausap.



"Its me, Mikael Quinlin."



"I knew it." huminga siya ng malalim. "Anong naisip mo Mr. Quinlin at nag-abala ka pang mag-padala ng mga ito?"



"Para mapaniwala natin ang mga kasama mo sa boutique na may relasyon tayo."



"Hindi muna sila kailangan pang paniwalain pa. Mga kakilala mo lang naman ang kailangan nating paniwalain." inis ng sabi niya. Dumagdag pa sa sama ng pakiramdam niya ang napaka-yabang na lalaki.



"Maraming naniniwala, mas effective Ms. Riccardi." cold na anito. "Three pm sharp, may tao akong inutusan na sunduin ka."



"Why?"



"You will find out." yun lang at nawala na ito sa kabilang lina.



"Wala talagang modo." gigil na ibinagsak niya ang hawak na cellphone sa mesa.



"Sino ang kaaway mo?"



Nakasimangot na tiningnan niya si Cathy. "K-kanina kapa?"



"Hindi naman, sino bang kausap mo at mukhang inis na inis ka?" taas kilay na tanong nito.



"Taong walang magawa sa buhay. Wala kabang trabaho at nagpunta ka dito?" pag-iiba niya ng usapan.



Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now