Chapter: 12

2.5K 63 0
                                    

Danielle (POV)

"Ano bang gagawin mo sa mga picture?"  tanong niya nang sakay na sila ng kotse. Ihahatid siya nito sa boutique.

He shrug, "nothing why?"

"Just asking."

"Dumaan muna tayo sa coffee shop para magmeryenda."

"Sa boutique na lang tayo magmeryenda."

"Hindi tayo makakakain ng ayos doon, dahil siguradong kukulitin lang tayo ni Venice."

"I think you're right." Masama pa rin ang loob niya kay Mikael dahil hindi siya pinuri nito kanina.

Sa nadaanang coffee shop na lang sila dumaan para magmeryenda.

"Can I ask you something?"

"What is it?"

"Hindi kaya ako ang ama ni Rainier?" napaka seryosong sabi ni Mikael.

Kinabahan siya at bumilis ang tibok ng puso niya. "A-alam mong hindi ikaw dahil kakikilala pa lang natin."

"Yes" tumango ito at huminga ng malalim. "Nagkita na ba tayo noon?" maya-maya ay tanong nito.

"I-I think we didn't. Why?"

Umiling ito. "Para kasing pamilyar ka sa a- oh never mind."

Nagulat siya ng lumipat ito ng upo sa tabi niya.

"B-bakit?" her heart beat fast even more.

"Nakikita mo ba yung babae na naka red dress?"

Pasimple niyang tiningnan ang sinasabi ni Mikael. Parang nakita na niya ang babae sa isang party na dinaluhan nila ni Mikael noong nagpapanggap pa silang magkarelasiyon. "Siya ba si Paola, yung wagas kung makapulupot sa iyo?"

He nodded, "the only one sweetheart."

"What th-the hell are you doing?!" napasinghap na sabi niya ng maramdaman niyang pumulupot sa baywang niya ang isang kamay ni Mikael.

"Mouth." Bumulong ito sa punong tenga niya. "Paola is here, at papalapit siya dito."

"A-anong gusto mong gawin ko?" mahinang sabi niya.

"Act as a sweet and loving fiancee."

"Mikael darling hindi ko inaasahang makikita kita sa ganitong ka cheap na lugar." maarteng wika ng babae at walang paalam na naupo sa harap nila.

Malamig na tiningnan lang ni Mikael si Paola. "Cheap pala ang tingin mo sa lugar na ito, so anong ginagawa mo dito Ms. De villa?" taas kilay na tanong niya.

Namula ang mukha ng babae sa pagkapahiya at inis. "It's none of your business, b*tch." galit na anito.

"Watch your mouth, hindi mo alam ang kaya kong gawin!" nakakatakot na sabi ni Mikael sa babae.

"Sweetheart let's go" inalalayan siya nitong tumayo.

"Darling I'm sorry, na-nabigla lang ako sa si-

"Shut up, and leave us alone. Huwag kang magkakamaling lapitan pa kami." yan lang at lumabas na sila ng coffee shop ng makapag bayad.

"S-slow down, please." takot na aniya dahil sobrang bilis magpatakbo ni Mikael ng kotse. Parang walang narinig na lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo.

"M-Mikael your scaring me." napahikbing sabi niya.

Nagflashback sa isip niya ang nangyaring aksidente sa kanila ng papa niya.

Nagulat namang inihinto ni Mikael ang sasakyan sa gilid ng daan.

"Don't cry." hinila siya nito papalapit at niyakap. "I didn't mean to scare you, sweetheart. Inilalabas ko lang ang galit ko para sa babaeng iyon."

"N-nakakainis ka, dapat sinabi mo para nakababa ako. P-paano kung naaksidente ta-

"Stop." pinigil nito ang mga kamay niya na humahampas dito. "Hindi tayo maaaksidente okay, calm down."

"How can I calm down, your freaking me o-" natigil sa lalamunan niya ang sasabihin dahil bigla siya nitong hinalikan. Nanlalaki ang mata na nakatingin siya sa kawalan.

Bahagya lang nitong inilayo amg mukha sa kanya. "If I know simple kiss will shut you up, matagal ko nang ginawa." he grin.

"Y-you bastard." namumulang aniya at ubod lakas itong itinulak.

"Really." sumandal ito sa sandalan ng upuan na kinauupuan nito at nilingon siya.

"W-why the hell did you do th-

"I told you, I did kiss you to shut you up."

"Maniac!" she hiss.

"You know I'm not."

Matalim niya itong tiningnan, "Yes you are, assh*le" he just chuckle.

Maya-maya ay tiningnan nito ang oras sa suot na relo. "Twenty minutes na lang at labas na sa school si Troy, let's pick him up."

        ********

Mikael (POV)

Huminga siya ng malalim at matamang tinitigan si Danielle na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakatulog ito habang papunta sila sa school ni Rainier.

Hanggang ngayon ay hindi niya matukoy sa sarili kung ano ba iyong kakaiba niyang nararamdaman para sa babae. Basta alam niya masaya at kuntento ang pakiramdam niya kapag kasama si Danielle.

Parang kulang ang araw niya kapag hindi ito nakita. Parang sabik na sabik siyang makita ito at si Rainier.

Hindi niya maintindihan ang sarili.

Hindi sya pwedeng mahulog kay Danielle dahil alam niya sa isip at sa sarili niya na may isang tao na naghihintay sa kanya at ayaw na niyang dagdagan ang sakit na idinulot niya sa taong iyon.

He sigh again at bumaba na ng sasakyan para salubungin si Rainier.

"Daddy" tuwang sabi ng bata ng makita siya at patakbong lumapit sa kanya.

"How's your day, young man?"

"Great"

"That's good." isinakay niya ito sa backseat ng kotse at sinenyasan na huwag maingay. "Shh mommy is sleeping."

He nodded at itinakip pa ang dalawang kamay sa bibig. "You okay there?" tanong niya kay Rainier.

"Yup"

"Okay" at tiningnan muna si Danielle na mahimbing pa ring natutulog bago pinatakbo ang kotse at lihim siyang napangiti ng maalala ang naging reaksiyon nito ng bigla niyang halikan kanina.

Hinalikan niya ito hindi dahil para patigilin sa pagsasalita kung hindi para alisin ang takot nito sa ginawa niyang pagpapatakbo ng mabilis at effective naman ang ginawa niya.

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now