Chapter: 7

2.7K 74 0
                                    

Danielle (POV)



Sa loob ng tatlong linggong nagdaan ay naging maayos naman ang pag tatrabaho ni Venice sa boutique at hindi na niya mabilang kung ilamg beses silang lumabas ni Mikael to pretend like a real couple.



Hindi na tuloy ang formal dinner na sinasabi ni Mikael sa kanya three weeks ago dahil umalis ng bansa si Mikael. Mamayang gabi ay tuloy na iyon.



Hindi siya masusundo ni Mikael kaya siya na lang ang pupunta sa kompanya nito para sabay na silang pupunta kung saan ang dinner na dadaluhan nila.



"Goodluck sa date ninyo ni kuya."



"May pupuntahan lang kami. Hindi magdadate." Natatawang aniya. Si Venice ang nag-ayos ng buhok niya at make-up.



"Ganun na din yun ate Danielle." Ngumiti ito at mula ng araw na mag-simula ito sa trabaho ay tinatawag na siya nitong ate. Nasanay na siya dito at sa mga kakulitan nito.



"Sige aalis na ako."



"Ihatid na lang kaya kita?"



"Huwag na. Sanay naman akong mag taxi."



"Bakit kasi hindi ka mag-aral mag drive para madali kang makapunta sa mga gusto mong puntahan."



Nag-iwas siya ng tingin. "Huwag na. M-mas sanay akong mag taxi." Dahilan niya dahil ang totoo ay may phobia siya kapag nasa harap ng manibela. "Aalis na ako. Alam mo namang ayaw ni Mikael na pinaghihintay ng matagal."



"Hayaan mo siyang mainip."



Natatawang umalis na siya ng Rain boutique at nag taxi papunta sa Quinlin Clothing Line. Namamanghang tiningala niya ang napaka taas na building ng makababa ng taxi.



Nginitian niya ang nadaanang guard at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob at sumakay ng elevator hanggang sa 25th floor kung nasaan ang opisina ni Mikael.



"Excause me." Tawag pansin niya sa babaeng nakaupo at nakaharap sa computer. Ito siguro ang secretary ni Mikael.



"Yes?" Mataray at taas kilay na tanong nito.



"Nandiyan ba sa loob si Mr. Quinlin?"



"Yes. May appointment kaba kay sir?" Umiling siya. "Hindi mo siya pwedeng makita kung wala kang apppintment."



"Inaasahan niya ako dito." Naiinis na siya.



"Sorry pero walang sinabi sa akin si sir na may hinihintay siyang bisita."



Huminga siya ng malalim. "Miss I'm his girlfriend."



"Marami nang nagsabi niyan pero lahat hindi totoo."



Tinamaan yata siya sa sinabi nito dahil totoo naman na hindi talaga sila ni Mikael. "Can you tell him I'm here. My name is Danielle Riccardi by the way."



"I won't. Ngayon ko lang narinig ang pangalang i-"



"What's going on?"



Napatayo ang babae sa gulat at sabay silang napalingon sa nag-salita. Madilim ang mukha ni Mikael na nakatingin sa kanila.



"M-mikael."



Lumapit ito sa kanya. "Ms. Mendez what's going on here?"



"N-nag pipilit ho siyang makita kayo at sinasabi niyang girlfriend ninyo." Matalim siyang tiningnan ng babae na tinawag ni Mikael na Mendez.



Loving You Unknowingly (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz