Chapter: 16

2.4K 62 0
                                    

Kent kysler (POV)

Akmang pipindutin na niya ang doorbell sa condo ni Mikael ng may tumawag sa kanya.

"Kuya Ky."

"Venice."

"Alam mo din pala na may sakit si Kuya Mikael."

"I didn't know." Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi daw pumasok sa kumpanya si Mikael kaya nagbaka sakali ako na nandito siya ."

"May sakit daw siya kuya Ky, itenext niya ako kanina na dalhan ko daw siya ng lunch kasi masama ang pakiramdam niya."

Napailing na lang siya ng walang kahirap-hirap na nabuksan ni Venice ang pinto. Tahimik na tahimik ang buong condo.

"Kuya Mikael, were here" sabi ni Venice habang papunta sa kitchen para dalhin ang mga pagkain.

"Huwag kang maingay baka natutulog si Mikael."

"Tara gisingin natin, baka hindi pa siya kumakain." anito at walang babala na basta na lang binuksan ang pinto na hindi nakasara ng ayos. "Kuya Mikael wake-

Napasunod siya kay Venice sa loob ng kuwarto ng kakambal ng tumahimik ang babae.

Naistatwa siya pagpasok ng kuwarto. Parang gumuho ang mundo niya at nagkapira-piraso ang puso niya sa nakita.

His twin brother is peacefully sleeping habang nakayakap sa isang babae. Babaeng kilalang-kilala niya.

Sobrang sakit habang nakikita niya ngayon ang babaeng lihim niyang mahal na mahimbing na natutulog sa tabi ng kakambal niya! Of all people.

He step back unknowingly.

"Nandito pala si ate Danielle."

Gulat siyang napatingin kay Venice. "Y-you know her?"

"Yup! Siya ang may-ari ng boutique na pinagtatrabahuhan ko." Takang tiningnan siya ni Venice. "Siya ang fiance ni kuya Mikael! Hindi mo ba-

"D*mn." Bulong niya at walang paalam na tinalikuran si Venice. "Its hurt! Its d*mn hurt." Paulit-ulit na bulong niya.

"Kuya what's wrong! May problema ba?"

"Nothing! Huwag mo na lang akong pansinin." Malamig na sabi niya. "I have to-

"K-kent what are you doing here! Paano mo nalama na nandito ako?" Nagtatakang tanong ni Danielle. Medyo magulo ang buhok nito at halatang kagagaling lang sa pagtulog pero kahit ganon ay itsura nito ay napaka ganda parin.

Nasasaktang tiningnan niya si Danielle. "Hindi ko alam na nandito ka. Nandito ako para bisitahin ang kapatid ko." Sing lamig ng yelo na sabi niya.

"Kapatid?" Tiningnan nito si Venice na nakamasid lang sa kanilang dalawa. "K-kapatid mo si Mikael?"

"Oo ate Danielle." Si Venice ang sumagot sa tanong ni Danielle ng hindi siya umimik. "Hindi ko alam magkakilala pala kayo."

Danielle nodded. "Yes! Siya yung ikinukuwento ko sayo na best friend." Bahagyang ngumiti si Danielle.

"Really." Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Venice. "Kuya Ky akala ko ba ayaw mo ng tinatawag na Kent pero bakit iyon ang tawag sayo ni ate Danielle."

"Its none of your business." Singhal niya sa kapatid.

"Kent."

"What?" Inis na binalingan niya si Danielle.

"I-i'm sorry."

Pagkarinig sa sinabi nito ay parang na doble ang sakit na nararamdaman niya. Sa pag hingi nito ng sorry ay para na din nitong sinabi na wala na talaga siyang pag-asa dito. "For what?" Paos na aniya.

"Sa pagsisinungaling ko."

"Its nothing." Malamig na aniya. "Aalis na ako may importante pa akong lakad."

"Mamaya kana umalis kuya. Hitayin mo muna na magising si kuya Mikael."

"Sabihin mo na lang na dumaan ako."

"But kuya."

Hindi niya pinansin si Venice at derederetso na siyang umalis sa lugar na iyon dala ang pira-pirasong puso.

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now